around the Menese boys

29 1 4
                                    

Arra Menese' Point of View

Pag patak ng alas dos ay andito na kami sa building ni dad. 3 storey pero maganda ang design. Simula sa chandeliers sa may bubong hanggang sa mga interior designs. At pati na ang floor.

"Maam, sir this way po tayo"
Bungad nung babaeng sa tantiya ko ay nasa 30's na ang edad.

Agad naman kaming sumunod sa kaniya.
Siyempre? Alangan naman na tungangaan namin siya? Edi nag mukha tuloy kaming tanga?

Hehe.

"Kumatok nalang ho kayo dito maam. Currently, may kausap po ngayon si sir. Saka baka po patapos na sila sa discussion nila. Sige po mauna na ho ako"

Nag bow ng bahagya yung babae at saka umalis na. Napa tingin naman ako kay Charles at pagkatapos ay sa pintong kulay pula.

Nagpa balik balik ang tingin ko sa dalawang iyon hanggang sa mag salita na si Charles.

"Fine... I'll do what you want."

Sabi niya at bumuntong hininga.

Kakatok pa lamang siya nang biglang bumukas ang pinto at iluwa nun si kuya.

Na estatwa ata tong katabi ko dahil parang hindi na siya makapag salita. At naka tingin nalang kay Kuya.

So... Si Kuya ang sinasabi nung babae na ka discussion ni dad? I didn't expect it.

"Anong-- bakit ka andito Arra. Akala ko ba naman may trabaho ka? Yun pala pupunta ka rin dito"

Sabi niya.

"At bakit mo siya kasama? Bakit siya andito?" Pag papa tuloy ni Kuya sa sinabi niya

"Kuya let me--"

"Arra, diba pinag sabihan na kita?"

Napa kamot naman ako ng ulo.
Mag e explain na nga kasi. Puputulin niya pa.

Bumuntong hininga ako.

"Look. Kuya. I am still on work. Hindi kami nag punta rito ni Charles para mag date. That's the stupidest idea kapag dito kami mag d date. Sa office ni dad? Oh come on kuya..."

"At isa pa, don't jump into conclusions. As what I've said. I am still on work. We are here to work. We are here para makipag discuss kay dad about sa ipapa gawa niyang building company. Is your question answered?"

"So meaning? Si dad... Ang tinutukoy niya ay kayo?"

Turo niya sa aming dalawa ni Charles.

"Yes. Sila nga ang tinutukoy ko kanina son"

Na tahimik kaming lahat nang sumingit si dad sa usapan namin. Diko na nga siya na pansin na binuksan na pala niya yung pinto para tingnan kami.

"And what is the commotion all about?"
Sabi ni dad habang naka kunot ang noo.
Kaso walang sumagot. Na pipi yata kaming tatlo.
Ibinaling niya ang tingin niya kay Charles.

"Good afternoon. Mag papakilala ako sayo. I'm Raven Menese Sr. Nice having a meeting with you mister Lim"

Sabi ni dad at inabot niya ang kaniyang kamay para makipag hand shake kay Charles.

"G-good afternoon po."
Natatarantang sagot ni Charles at nakipag hand shake rin.

Takang naka tingin si kuya sa aming tatlo.

"Is it just me? Or you have something in common na hindi ko alam?"
Sabi nito habang naka tingin lang sa amin.

Nag kibit balikat nalang ako.

"Raven. You should go home now. Your mom's alone there. Come on"

Sabi ni dad.

"Oh by the way. I know what did you do sa vacation trip niyo nung nakaraan. Your boss told me"

Hindi ko maiwasang manlaki ang mata ko.

"Maganda pagkaka surprise mo sa anak ko huh. Nakita ko sa isang cell phone video yun. Anyways. What's the status of the two of you?"

Dad... Ano ka ba? Investigator ka ba?

"Anong-- ano to? Anong status status tong naririnig ko? Teka. Arra.. may hindi ka ba sinasabi sa akin? Yung vacation trip niyo sa may palawan alam ko pa. Pero yung nangyari? Kindly tell me?"

Hala ka. Oo nga pala. Hindi ko na sabi kay kuya.... Lagot ako nito..

"Ahm.. kuya? Usap tayo sa bahay wag dito. Time is running. We need to discuss something with dad"
Segway ko ng usapan.
Lagot na ako nito kay kuya.

Kalimutan ko na lahat sabihan ng info wag lang si kuya...

"Talagang mag uusap tayo Arra. See you sa bahay. I need your full and honest story about this. Dad. I'm leaving"

Hala... Galit na si kuya.

Natulala nalang ako habang naka tingin sa kuya kong nag lalakad palayo.

"Arra. Don't worry. Your kuya will be ok. Tutulungan nalang kita mag paliwanag mamaya. But now. We should go back to business"

Sabi ni dad at inakbayan ako.
Binuksan niya ang pinto at pina pasok na kami sa loob.








Charles Arven Lim's point of view

Nakaka tense pala kung magkaka harap ang tatlong Menese.

Para akong napipi kaka panood sa kanila.

"Ok ka lang ba Charles? Kanina ka pa tahimik eh"

Bulong sa akin ni Arra. Pansamantala kasing lumabas ang dad niya para mag cr.

"Ah.. ahm.. oo ok lang ako"
Sagot ko.

Although medyo kabado ako. Lalo na sa inasta ng kuya niya?

Alam ko... Galit parin siya sa akin pero.... Hayst. Ewan ko ba.

"Don't worry. Kung si kuya ang ina alala mo. Don't worry. Kaya naman naming kausapin siya ni dad. Kaunting lambing lang naman at aayos na rin yun"

"Arra. Hindi ganun kadali iyon. ang mga lalaki... Ma pride. Pero... Siguro nga? Kaunting lambing lang sa kaniya. Pero pano naman ako? Hindi ko alam kung anong sasabihin at gagawin ko. Kinakabahan ako.. to be honest. Tayo na. Alam na ng parents mo pero... Hindi ko alam na hindi pa pala alam ng kuya mo ang tungkol sa atin."

Bumuntong hininga ako.

"Don't worry. Everything will be fine... Everything will be alright"
Ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko.

Ngumiti naman rin ako.

Napa bitaw nalang kami ni Arra ng kamay nang may umubo ng peke.

Hehe. Na carried away lang sorry.

"Let's go to business. Ikaw anak. Masyado ka naman yata na dadala."
Sabi ni Mr. Menese at umupo sa swivel chair niya.

Nag simula na kaming mag discuss sa project na ipapa gawa niya sa amin.

Hindi ko alam kung bakit child friendly ang isang room pero hindi na ako nag salita pa.

Sana maging ok na lahat...

Mend Someone's Broken Heart (Completed!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon