she woke up

55 12 0
                                    

Chapter 20
Hannah Garcia's point of view.

Nakatitig lang ako kay Arra.
Naghihintay kung kelan magigising. Lumipas na ang dalawang araw pero di pa siya nagigising. Depressed si tita. Di niya tanggap ang nangyari sa anak niya. Si Kuya Raven naman.. siya ang umaasikaso sa nanay niya pati na din kay Arra.

Si Charles? Um-absent din. May binili yun at papunta na dito.
Si Steve? Hindi ko alam... Hindi rin ito pumasok sabi nung kaklase namin nung nag pa sabi akong di ako papasok.

Nakaka lungkot na makita si Arrang ganito.

Ni. Di ko nga naisip na magagawa nila ito. Oo. Alam kong di maganda ang unang deskripsyon ko kay Sanya. Pero diko inaakalang tama ako. Hindi lang tama dahil sobra pa.

Hinawakan ko ang kamay ni Arra.

2 araw na ang naka raraan ng pagtulungan siyang gulpihin nila Sanya at Maria.

Kung sana, nung pumunta siyang cr. Sinamahan ko nalang siya. Kung sana. Di ko siya pinabayaan. Kung sana....

Maraming mga tanong na pumasok sa isip ko.
Nang makumpirma namin na dinakip nga siya. Sinisi ko na agad ang sarili ko. Bakit hindi? Eh ako yung huling kasama niya.

Naiinis ako sa sarili ko.
Ngayon. Si Arra, puno ng galos, at naka ratay sa kama.

Kung bakit walang Maria at Sanya ngayon? Kasi gumagawa palang ng d3p#7@&g imbestigasyon ang mga pulis. Pagkatapos daw madala nila Charles at Kuya Raven dito si Arra. Di na nila nagawang makapag report sa pulis dahil akala nila gigising agad si Arra.

Napa buntong hininga ako.

"Wag mo sisihin ang sarili mo. Hindi ikaw ang may kasalanan." Dinig kong sabi Ng tao sa likod ko na walang iba kundi si Charles.

Humarap ako sa kanya.
"Why not Charles? Ako ang huli niyang kasama nung araw na iyon. Hindi ko siya sinamahan nung nag punta siya ng cr..." Diko na nai tuloy ang sasabihin ko dahil naiyak na ako. Nakakainis. Ayoko talaga na umiiyak ako.

"Sa tingin mo ba? Sisihin ka din ni Arra gaya ng pag sisihin mo sa sarili mo kung gising siya ngayon?" Lumapit siya sa table na malapit kay Arra at inilapag duon ang mga binili niya.
Humarap siya sa akin at ngumiti.
"I know Arra. Hindi siya ganun. Hindi ka niya sisihin. Mabait siya" tumabi siya sakin at tinitigan si Arra. Hinawakan nito ang kamay niya at pinisil iyon. Ito ang gusto ko kay Charles. Kaya boto ako sa kanya nung una siyang nanligaw kay Arra. Marunong kasi siyang mag effort at alam na alam niyang mag hintay.

Tiningnan ko muli si Arra. Kung titingnan siya. Para lang siyang natutulog ng mahimbing.

Nakaramdam ako ng tawag ng kalikasan kaya naman ay nag excuse ako. Sa baba na ako mag c cr tutal medyo na gutom rin ako. Binuksan ko ang pinto at bago pa ako tuluyang lumabas ay sinilip kong muli si Charles at Arra....



Charles Arven Lim's Point of view.

Huminga ako ng malalim.
Pinipigilang wag umiyak.
Sa tuwing nakikita ko si Arang ganito. Di ko kaya. Masakit.
Siya yung sinaktan pero dama ko....
Hinigpitan ko lang ang hawak ko sa kamay niya. Umaasang kahit sa ganoong paraan ay malaman niyang andito ako para sa kanya.

Nag punas ako ng luha na kanina pa dumadaloy galing sa mata ko Mula noong lumabas ng pinto si Hannah. Alam ko. Nakaka bakla. Bakla na kung bakla pero wala na akong pake. Mahal ko eh. Iiyak ako para sa kanya. Yumuko ako

Ilang minuto na at ganun parin ang posisiyon ko nang may pumasil sa kamay ko. Agad ko itong tiningnan. Totoo ba ito? Please. Kung nanaginip ako. Wag niyo na akong gisingin.

"Oh? Bat ganyan ka maka tingin? " Tanong niya. Pinisil ko ang kamay niya para maka siguradong di ako nanaginip at di nga talaga ako nana naginip. Ngumiti ito.
Hinawakan niya ang pisngi ko.

"Umiyak ka ba?" Kunot noong tanong niya. Hindi ako sumagot. Naka tunganga lang ako sa kanya. Hindi parin ako maka paniwalang gising na siya.
"Huy!" Pag kuha pa niya Ng atensyon ko. Kumurap kurap ako. Totoo talaga to?

Sinampal ako ni Arra pero mahina lang.

"What was that for?" Tanong ko. Tumawa naman ito. Sa aming dalawa. Parang ako pa ang nag daig ng baliw. Dahil sa mga inaasta niya.

"Ayan? Gising na?" Sabi niya.

"Kanina pa" sagot ko.

Tinanong ko ito kung anong gusto niyang kainin. Sabi niya apple nalang. Kaya eto ako. Ipinag babalat ko siya ng apple.

Nagpaalam itong pumunta ng cr. Inalalayan ko siya hanggang sa labas ng cr.
Kung ano man ang iniisip niyo. Diko kayang pag samantalahan si Arra.

Lumabas na si Arra ng cr at eksakto namang tapos na akong mag hati at mag balat ng apple.

Ayaw kasi ni Arra na kinakain yung balat mg apple. Malay ko ba. Pero kung gusto niya. Gagawin ko. Desperado na kung desperado. Nag mamahal lang naman eh.

Sinubuan ko siya ng apple pero tinabig niya ang kamay ko.
"Kaya ko namang kumain eh" pout na sabi niya. Tumawa naman ako. Ibinaba ang platito na hawak at nag taas ng kamay. Senyales na parang sumusuko na ako.
Kumain na siya.

"Tatawag lang ako ng doctor" sabi ko.
Umiling ito.
Bakas ang takot at pangamba.
" Wag. Please." Sambit niya. Naiintindihan ko siya. Na trauma na siya sa nangyari.
Tinawagan ko nalang si Hannah. Asan na ba kasi yun? Bakit ang tagal. Sabi niya on the way na daw siya sa doctor para pumunta rito.

This time. Sisiguraduhin kong ligtas si Arra. Diko na siya pa babayaan.

She needs me...
Kaya ibibigay ko ang kelangan niya. And that is someone to lean on. Someone to understand her. Oo. Meron ang Kuya niya. Meron ang mom niya. Meron si Hannah. But I'll take this chance to let her feel I'm also here.
By her side.

(Published: 5-517)

Mend Someone's Broken Heart (Completed!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon