Prolouge

121 5 6
                                    


7 billion people.

And a whole world, a whole planet.

Full of different places and faces. Different cultures and different points of view.

But there's always a way that I will come to you.

"Argh! Ang panget!"

Napahilamos ng mukha si Erise. She sighed and sipped her coffee while glaring at her laptop.

"Kawawa namang laptop. Mukhang m-murderin mo gamit mata."

Nilingon nya ang binatang naglagay ng plato sa gilid ng kanyan laptop.

"I told you. If murdering someone is legal, baka serial killer na main work ko ngayon."

Ngumisi lang ang lalaki at tumabi sa kanya. Sinilip nito ang nakasulat sa MS word ng babae.

"Simula palang yan, lalabas din mga ideas mo pagnakasulat ka na. Kumain ka muna."

"No foods near the laptop or PC. Diba first rule yon satin sa ICT dati?"

"No foods, Nor drinks." pagdidiin ng lalaki sa hawak na kape ng babae. "Saka wala na rito si Ma'am Manalo. Namimiss mo nanaman yon."

Nagkibit balikat nalang si Erise. Ayaw nyang makipag sagutan sa lalaki.

"Buti pa si ma'am namiss mo."

"Namiss ko naman lahat. Lahat lahat." diretsong sabi ni Erise habang nakatitig sa screen ng laptop.

Sasagot pa sana si Saturn sa kanya ngunit biglang nanlaki ang mata ni Erise nang may naalala.

"Freak! I forgot. You have to help me find the author of this fucking book." Nagmamadaling sabi ni Erise at inilabas ang isang itim na libro sa kanyang bag.

"You still curse like its just a normal word."

"At nageenglish ka na rin ngayon like its your first language."

"Kasama yon sa pagaartista."

Inirapan lamang sya ni Erise at binuklat ang librong itim na nakuha mula sa isang book store.

"Fuck is word. Other term for sex. For whores. Now, masama yon if youre saying it towards someone. Because it just means youre telling they're a whore. But if you want to fuck someone, you can tell it straight and just kiss that someone straight."

Saturn smirked. "Still the Erise I knew, bad girl na dinidefend ang masasamang gawin because she thinks its good."

"Not all the bad things I did before were good. Sinasabi ko na yon noon pa." Sambit ni Erise habang tinitingnan ang libro. Ngunit pinalo nito kaagad ang nakabuklat na libro sa isang page. "Fuck! Eto na! Basahin mo!"

Masyadong naeexcite si Erise kaya napilitan si Saturn na kuhanin mula kay Erise ang libro at basahin.

Binasa ito ni Saturn dahil sa kuryosidad. Ano ang meron sa librong to na naging dahilan para mapamura ng ganoon si erise at maexcite? Panigurado ay may nakalagay rito at may kung anong nadiskubre si Erise sa librong ito. Dahil ganoon ang pagkakakilala nya kay Erise, kapag focused ito sa gagawin lalo na sa pagtutuklas, nagagawa nya ito.

Ngunit sa dirediretsong pagbabasa, agad nyang napagtantong kapangalan nilang dalawa ang bida.

Umamin si Erise kay Saturn sa gabi ng kanilang promenade. Hindi nya na hiniling kay saturn na gustuhin sya pabalik. Kaya't pinaliwanag nya kaagad na tanggap nya kung si Bianca ang gusto nito at hindi sya. Isip ni Erise, hindi naman sya katulad ni bianca na maganda matalino at mabait. Isa pa, anong laban nya sa first love ni saturn?

Stained HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon