Mavie.
Everyone clapped.
Tuwang tuwa ang lahat when everything is settled. Ziex and Ma'am Constance signed the papers as the producers. I also signed the papers about the upcoming movie. Nakapag hanap na ng director, ng costume designers at marami pang staff.
Matapos naming magusap ni ma'am constance about my desicion, tinapos ko na rin agad yung script at umabot nga iyon ng tatlong araw sakin. Masyado kasing mabigat yung conflict ng story kaya nahirapan ako.
Despite all the conditions, napapayag ko si ma'am constance. Sinabi ko lang naman kasi sa kanya lahat. Lahat lahat.
She held my hand and said, "I know what's the feeling. Seeing someone you love loving another person. But Erise, please do remember that its business. Papayagan kita but you have to work professionally ok?"
Then here I am now, after a week of approving my story to be a movie, heto at magpirmahan na ng contrata.
I am still in shock of the portrayers though.
"Im sure magiging maganda yung movie. Bagay kayo!"
Everyone laughed inside the meeting room.
Hindi ako kumibo.
"Ah, Erise. May copies pa naman ng stained heart sa bookstore diba? Gusto ko sanang bumili eh."
Nilingon ko si Saturn. Nakaupo kasi ako sa tabi nya. Of course, storya ko ang gagawin nila. They also need my opinion. Opinion ko ang pinaka importante sa lahat.
"Meron pa naman. Pero bakit ka bibili? May script na."
Umiling sya at ngumiti. "Mas maganda kung mas mararamdaman ko yung storya. Hindi lang sa dialouge kundi sa mga point of view nila."
I nodded. Ayoko mang mabasa nya ang libro, Im afraid he really needs it. Kasi parehas man sila ni Ronnie sa storya, Ronnie's way better than him. Magiging mataas ang standards ko sa movie na to. Everything has to be perfect and visualize what's written on the book.
"So, pwede nga?"
Napatawa ko. "Bakit nagpapaalam ka pa? I sell those books so of course you can buy it."
Ngumiti sya. "Kasi sabi mo espesyal yung librong yon sayo eh. Baka restricted parin akong magbasa ng mga storya mo."
I looked at him.
Sa pagkakaalala ko, wala naman sa alaala naming dalawa na pinagbawalan ko syang magbasa ng storya na sinusulat ko noon. Actually, he was never interested at all.
"Mukhang mas bagay yung writer at actor."
Nilingon ko si Gina. Kasama ko syang tumulong sakin para gumawa ng script. Tinulungan nya ko para majustice yung lahat ng character's point. Kasi baka puro punto lang ni Shaira ang maelaborate ko. Medyo may galit pa naman ako kay Ronnie.
Dun sa totoong Ronnie.
Pinandilatan ko si Gina. Hindi ko naman sinasabi sa kanya kung sino si Saturn pero iba ang nararamdaman ko sa mga tingin nya tuwing magkasama kami.
Kainis.
"Hindi pwede yan. Unsual pero alam ko bawal." sagot ng director namin. Si Direk Bong.
"Hindi naman bawal. Kung magiging sila, first time lang siguro sa industriyang to." sahot ni ziex na hindi tinatanggal ang tingin sakin.
Umiwas ako ng tingin.
I know he's still not happy about this. Pero hinahayaan nya lang ako kung anong mga desisyon ko sa buhay ko.

BINABASA MO ANG
Stained Heart
RomanceShe's Erise Maniego. A woman full of passion and hardwork. Wala nang oras para sa sarili pero maraming oras para sumulat. While he's Saturn De Guzman. A man with fame and money. Maraming oras para gawin ang gusto pero walang oras para hanapin kung a...