Chapter 2

24 2 0
                                    

       
Saturn.

"Oy te may tulog ka ba?"

Hindi ko sya pinansin at agad na inilapag ang mga gamit ko sa desk ko. Napatakip ako sa mukha ko at ikinalma ang sarili ko.

"Miss Erise ok ka lang?"

"Do not disturb sya. Mamaya nalang natin tanungin."

I just sighed and closed my eyes. Oh my god oh my god oh my god.

"Sino ba?"

"Si Mr. Saturn De Guzman po."

Paanong si Saturn? Bakit sa lahat lahat ng taong pipiliin nilang magpoportray ng karakter sa gagawin kong storya, sya pa?!

"P-Paki ulit nga."

"Si Mr. Saturn De Guzman po. Yung bagong lipat po sa Main network? Ma'am gwapo po yun! Bagay po sya sa kahit na anong role kaya madali lang sya gawan."

Kelan pa naging gwapo si Saturn? Kelan pa sya nagsimulang magkagusto sa ideya ng pagiging artista? Like damn! Ano bang nangyari for the past ten years at sobra sobrang himala ang nangyari ngayon? Paanong nangyaring artista na sya? And for the record, yung tono ng boses ni Cherry, Yung assitant ni ma'am na maganda, My god kinikilig pa sya!

Bakit ganito?

Minsan may point pala talaga sa buhay mo kung saan makakapag tanong ka ng 'Of all people bakit sya pa?'

God.

"Miss Erise? Pinapatawag na po kayo sa meeting room."

Inalis ko ang pagkakatakip sa mukha ko. Saka ko hinarap si Cherry na nakangiti sa akin.

"G-ganun ba? Sige sige. Susunod na ko." sambit ko saka tumayo.

"Hoy baks. Magayos ka nga!"

Natigilan ako sa sinabi ni Sherwin bading. Katabi ko lang sya ng cubicle kaya't close kaming dalawa. Kagaya ko, isa rin syang proofreader. Yun nga lang, writer ako. Mas madalas akong magsulat ng storya at magpasa ng manuscripts pero nagtatrabaho rin ako as proofreader dahil hindi ka kikita kung rejected ang storya mo. Hindi naman palaging maganda ang gawa ko kaya't hindi nagiging libro.

"Sorry sorry."

"Tsk. Gaga ka. Ano ba nangyari sayo? Bakit tshirt lang ata pinalit mo sa damit mo? Gosh. Ganda ganda mo pero ganyan ka! Para kang lalaki! Palit nalang kaya tayo ng katawan?"

"Gaga ka talagang bakla ka." sambit ko pero sya tumayo lang saka ako inayusan. Nilugay nya ang buhok kong napakagulo. Nilabas nya pa yung lip tint na nasa bulsa nya at nilagyan ako sa cheeks saka sa lips.

"Edi ayan! Nadagdagan yang kagandahan mong palagi mong tinatago! Hay nako!"

I just smiled at him. Saka ako dumiretso papasok ng meeting room kasunod si Cherry.

Pagbukas ko, tumambad sakin ang mga big boss. Actually tatlo lang sila. Si Ma'am Feliza, ang aming Chief editor at si Sir Ziex na syang manager sa Constance films at si Ma'am Amelia Contance. By the surname you know she owns everything.

Stained HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon