Chapter 15

9 0 0
                                    


Chapter theme: We could happen.

Hashtags.

"Time to work! Bilisan nyo na magset up nyan! Yung mga extra's ok na ba?"

Mahangin dito sa school. First venue sa script ngayon. Dito namin gagawin yung first scene.

I hate to admit this but Im excited. Sino ba namang writer ang hindi? Watching your story come to life, nakakaflatter lang. The first movie that I had,  Umiyak talaga ko. Isa kasi iyong story ng dalawang matanda. Hindi sila nagkatuluyan ang grew old with their families. But they died loving each other.

"Erise, alam na ba ng characters mo yung lines?" tanong ni Ma'am Chinggay. Ang assistant director ni sir bong.

I nodded. "Opo. Inaasikaso na sila ni Gina."

Pero biglang may tumakbong staff papalapit sa amin. "Ma'am si Mavie on the way na daw."

"Ano? Hindi ba matatapos yung way na dinadaanan nya?! Alam nya yung oras nagmamaganda sya masyado! Mas maganda pa nga tong si Erise kesa sa kanya!"

Natigilan ako sa sinabi ni Ma'am Chinggay.

Okay, hindi naman sa pagmamayabang pero naririnig ko na rin ito sa iba. Yun nga lang, mas may confidence si Mavie. Kaya mas bagay sa kanya yung ganda nya. Ako, hindi. Haggard beauty lang ako.

So bale, 50 percent beauty, 50 percent beast.

Haha. Nice joke Erise. Ang cute mo talaga.

"Ate Erise, Hinahanap kayo ni Sir Ziex."

Hindi ko alam pero napangiti nanaman ako. Eversince yesterday, ang sweet sweet ng mokong. Tinawagan nya ko kagabi at anong oras na ko nakatulog kakakwentuhan namin. Ewan. Hinahayaan ko nalang sya sa gusto nyang gawin. Besides, may chance naman sya. Im not gonna lie. Hindi naman masamang ibigay sa kanya yon.

The thing is, palaging may bumabother sakin.

"Erise,"

speaking of.

Nilingon ko sya sa likod ko. I gave him a Questioning look.

"Kasi, may hindi ako magets dito sa script eh. Hindi kasi ito yung nasa libro."

I took a deep breath saka kinuha yung script na hawak nya.

"Kabisado mo na ba to?"

"Yep. Basic only."

I rolled my eyes. Pero tumawa sya. I scoffed.

"Pashowbiz masyado porket my fans na nanonood."

"Halikan kita dito sa harap nila para di na ko pashowbiz sa paningin mo."

Halos itapon at ipakain ko sa kanya yung script na hawak ko. Mamatay sya sa script. Punyeta sya!

Ang daming pwedeng isagot yon pa?!

Muli akong napairap. Nagigting ang panga ko.

Di naman ako masyadong affected. Kaya ko pa naman.

"Kung ikaw din lang ang hahalik, wag nalang. Magdudugo pa labi ko sa gaspang ng bunganga mo."

Padabog kong tiningnan yung script na hawak nya. Pwede naman kasi kay gina sya magtanong bakit sa akin pa?!

Pero humalak hak nanaman sya.

Stained HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon