Yes.
Kinabukasan, hindi ko pinansin ang alarm ko. Alam ko maaga palang dapat ay kumilos na ko pero ayaw talaga makisama ng katawan ko. Emotionally and physically. Para bang walang wala nanaman akong energy.
Tiningnan ko ang kalendaryo. In two weeks, it will be the damned time of my life again.
Pero isang malakas na kalabog ang narinig ko sa pinto ng apartment ko.
Darn.
Masakit man ang ulo ko, I stood up. Tamad kong binuksan ang pinto.
"May pagkain kayo?"
Agad na nawala ang antok ko.
"Anong ginagawa nyo rito?"
Nagkibit balikat si Tyra. Nakangiting nakipag beso sa akin si Ella at si Chain. Dirediretso naman silang pumasok sa sala.
Nilapag nila kaagad lahat sa coffee table ko ang dalawang box ng malaking pizza from SRS, Dalawang 1.5 na softdrinks, sandamakmak na chips, tapos nakita kong nagdala sa kusina si Xia at Drenie ng isang kilo ng fries at dalawang gallon ng ice cream.
They brought heaven into my apartment.
"Bakit kayo nandito?" tanong ko.
"Panda na mata mo ah?"
Hindi ko pinansin yung sinabi nya at sumalampak ako ng upo sa tabi ni Ella. Saka diretsong inabot yung pizza. Pinalo nya kaagad ako sa kamay bago ko pa makuha yung gusto ko.
My jaw dropped. "Ouch!"
"Mamaya na. Mag mo-movie marathon tayo."
"First day of shooting ko ngayon!"
"Gaga! Sabi ni Ziex bukas pa daw."
Nilingon ko si Tyra na nagtataka.
Panong bukas pa?
Suddenly, my phone beeped.
Cherry:
Ma'am. We're so sorry but the schedule was moved. Bukas na raw po dahil hindi pa inaapprove yung request natin kung pwede mag shoot sa Storch High.
Hindi naman ata pwede yon!
Shit. Now I realized, nauna ko nanaman ang emosyon ko.
This is why my family hates me. Im always forgetting how to think. Napasapo ako sa noo ko. Nakalimutan kong saka ko lang makukuha ang pera ko kapag successful yung magiging first day of shoot.
Now my money's delayed. Thanks to my fucking deppression.
Kung siguro ay maaga akong tumayo, baka natuloy ang taping dahil doon naman ako pumasok sa school na yon dati.
Sinet up na nina Tyra yung movie na papanoorin namin. Feel na feel at home sila at kabisado na nila yung nga gagawin sa mga gamit ko.
"Uy may lasagna!"
Agad akong naalarma at tumakbo sa kusina. Nagluluto kasi doon si Xia at Drenie.
![](https://img.wattpad.com/cover/103654118-288-k781498.jpg)
BINABASA MO ANG
Stained Heart
RomanceShe's Erise Maniego. A woman full of passion and hardwork. Wala nang oras para sa sarili pero maraming oras para sumulat. While he's Saturn De Guzman. A man with fame and money. Maraming oras para gawin ang gusto pero walang oras para hanapin kung a...