Ano ba ko sayo?Kinabukasan, parang ayaw ko nang pumasok sa set.
Tamad akong naligo at nagbihis. Sinuot ko ang salamin ko at tinapos ang kape ko. Lamya lamya kong hinanap ang susi ng apartment sa bag ko. Para lang ma sure na hindi ko malalock yung bahay na nasa loob yung susi.
Tanga pa naman ako.
Damn.
Hindi ko makita yung susi sa bag ko!
Sumulyap ako sa orasan. Malelate na ko.
Sana nga tuluyan na kong malate para di na ko makapunta sa set. Bahala na sila don. Nandoon naman si gina.
Kinakabahan kasi ako. Ngayon lang nagsink in sakin lahat ng mga pinagsasa sabi ko kahapon. Ayokong pagdating ko doon, tanungin ako ng tanungin tungkol sa nangyari. Mahirap pa naman umiwas kapag may ayaw akong pagusapan. Isa pa, ayoko syang makita.
Pero Holy shit!
Nakita ko pa yung susi!
No choice. Papasok ako.
Dumiretso na ko sa pintuan. Eto ang mahirap eh. Yung alam mo na yung responsibilidad mo? Yung kailangan mong kumita kaya papasok ka ng trabaho?
Pero halos tumigil ang mundo ko nang bumungad sa akin si Saturn sa pinto.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko. Kasi by now, dapat nasa set na sya. Malaking perwisyo pa kapag pumunta kami doon ng magkasama, late.
Tiningnan nya ko. Mukha syang nanghihina. Mukhang wala syang tulog.
"Binasa ko na yung libro."
Natigilan ako at lihim na napalunok.
I know what I wrote. Kaya alam kong magrereact sya.
But I can deny right?
"Sinabi sakin ni Ella na nangyari talaga yon lahat maliban sa pagkamatay ni Shaira."
Umiwas ako ng tingin. I expected this to happen yet wala manlang akong hinandang defense statement.
Ngayon hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa kanya.
Asan na yung deny deny?
Napalitlag ako ng pinalo nya yung pintuan ko sa tabi ko.
"Putcha naman erise! Wala ka bang sasabihin? Hindi mo manlang ba sasabihing hindi totoo yung nangyari?"
Nagsimula nang bumigat ang dibdib ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Memories immediately flashed into my mind. Lahat lahat ng mga sakit at hirap.
Hindi ko sya sinagot. While a tear dropped in my eye.
"Totoo ba?"
Hindi parin ako sumagot.
Nanginginig ang labi ko. I took a deep breath. Tiningnan ko sya.
BINABASA MO ANG
Stained Heart
RomanceShe's Erise Maniego. A woman full of passion and hardwork. Wala nang oras para sa sarili pero maraming oras para sumulat. While he's Saturn De Guzman. A man with fame and money. Maraming oras para gawin ang gusto pero walang oras para hanapin kung a...