Chapter 25

8 0 0
                                    


Chapter theme: Youth by troye sivan


You and me.


Maaga akong gumising.

My head hurts like hell. But I still remember everything that happened last night.

Oh my god.

Ngayon lang nagsink sa akin.

Mabilis kong sinampal ng sabay ang magkabilang pisngi ko.

"Ano nanaman bang katangahan ang ginawa mo erise!" nanggigil na sambit ko sa sarili ko.

I heard someone laugh beside me.

Holy shit.

Nanlaki ang mata ako. Out of adrenaline, mabilis akong napaupo at hinila ang kumot. Pero hinala nya rin yon.

"Ano ba pahingi ako!"

"Kailangan ko rin ng kumot!"

"Saturn!"

"What? Gusto mo ulit makita alaga ko?"

Halos itulak ko sya pababa ng kama pero hindi ko magawa kasi nakakabwisit yung last na sinabi nya.

I covered my face. Saka ko ibinaluktot yung legs ko. Yumuko ako dahil sa kahihiyan.

Wala na. Halos sya na lahat makiban sa first kiss ko.

Jusko lord. Bakit ba ko sinapian kagabi?

Naramdaman kong gumalaw sya sa tabi ko.

"Huy."

Bumigat ang dibdib ko. Ngayon, nagsink in sakin na mas lalong walang tatanggap sakin kung ganito. Binaba ko nanaman ang sarili ko. Ibinigay ko ang lahat lahat sa akin sa taong hindi ko naman sigurado kung mahal ba ko pabalik, o kung pananagutan ba ko.

At tangina lang.

Hindi tama yung ginawa ko. Pero ginusto ko.

gusto ko.

Hindi ko na napigilang umiyak.

Naramdaman kong hinawakan ni saturn ang pulso ko. Pilit na tinatanggal ang kamay kong nakaharang sa mukha ko.

I cant.

I cant face him anymore.

"Huy...wag kang umiyak." matawa tawang sabi nya.

Ngayon, its either iiwanan nya na ko ng tuluyan dahil nakuha nya na ang gusto nya, o baka mag stay sya pero napililitan lang sya dahil sa nangyari.

Kung ako papipiliin, iwanan nya nalang ako.

Hindi ko ugaling ipagpilitan ang sarili ko sa iba. Ayokong napipilitan lang sila kung gagawa sila ng bagay para sakin.

"Bakit ka ba umiiyak ha?"

naramdaman ko ang paghinga nya sa kamay ko. Napaka lapit nya pala sa mukha ko.

Wala na kasi. Wala na kong pinagiingatan.

Hindi pa ko kasal.

Malaki tong kasalanan.

Pero natigilan ako.

He planted a soft kiss on the back of my hand.

Unti unti kong tinanggal ang kamay na nakaharang sa mukha ko. Teary eyed, I saw him smiling at me.

Papa god, is this true?

Tulog parin ba ko?

He laughed. "Bakit ka umiiyak?"

Stained HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon