Erise.
Walang ibang ginawa si Saturn kundi asikasuhin ako sa kung ano man ang pwede kong kailanganin. Of course, he should take care of me. Ako ang gumagawa ng story nya.
Ayon sa kanya, he wants his first movie to be memorable. Yung tatagos sa tao. Yung makakapagiwan sa kanila ng magandang mensahe. Wag ko daw masyadong isipin yung role na gagampanan nya. Ang importante, yung story.
Which is right. Dahil kung maganda ang story, kahit kontrabida ka at paepal, tatatak ka rin sa tao.
"Sorry di tayo pwedeng makalipat sa sala. Dadating kasi si kuya eh."
Agad akong natigilan sa pagiisip at tiningnan si Saturn na sya ngayong naglagay ng kape sa ibabaw ng table para sakin. Sinilip ko iyon at may yelo. Just like what I requested.
Binuksan nya ang ref nila at maglabas ng whip cream.
I took it from him. "Ako na."
Nilagyan ko ng whip cream yung kape ko. Pilit na dinidistract ang sarili ko sa kaba.
"Oy over na." sabi nya sakin at nakita kong halos tumapon na yung whip cream sa baso ko.
Kinuha nya yung whip cream at nilagyan yung bibig nya. Ngumuso ako.
"Ako din! Pahingi!"
"Wag na baka maubos mo."
"Mayaman ka naman eh."
"Bakit ikaw hindi?"
"Hindi....pa."
He sighed. "Nga nga."
Napakunot ang noo ko. "Huh?"
Itinaas nya ang whip cream at narealize ko ang ibig nyang sabihin.
My heart skipped its beat.
"A-ako na. Kaya ko naman."
Napatawa sya. "Sabi ko nga eh."
In the end, sinuko nya din yung whip cream sakin. Naenjoy ko yung kape ko.
"Yung....mama mo, asan sya?" tanong ko. Nakakahiya kasi hindi manlang ako bumati sa mga kasama nya rito sa bahay.
Si Iñigo babatiin ko sana kanina. Babalikan ko dapat pero si Saturn masyadong KJ. He ordered me to stay. Nakakainis at napasunod ako ng mokong.
"Nasa bulacan. Pinapaasikaso ko kasi yung lupa namin dun."
Nilingon ko sya. Ganun naman ata sya kabilis yumaman?
Parang nabasa nya yung nasa isip ko kaya't nagpatuloy sya sa pagsasalita. "Si Kuya kasi nagipon para sa lupa sa bulacan. Ako naman para dito sa bahay namin sa manila."
I nodded. I took a sip of my coffee.
"Saturn, diba hindi naman talaga pagaartista gusto mo?" Tanong ko.
Nabobore na kasi ako sa ginagawa ko. Kanina pa ko nagtatype.
Tumawa sya. "Wala eh. Gwapo kaya ayun."

BINABASA MO ANG
Stained Heart
RomanceShe's Erise Maniego. A woman full of passion and hardwork. Wala nang oras para sa sarili pero maraming oras para sumulat. While he's Saturn De Guzman. A man with fame and money. Maraming oras para gawin ang gusto pero walang oras para hanapin kung a...