Chapter 17

9 0 0
                                    


What really happened.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko kasabay ng pagbigat ng dib dib ko. My eyes are full of tears. Nanlalamig ako sa basang tiles pero hindi ako gumagalaw.

Niyakap ko ang tuhod ko. There I cried silently.

Nakarinig muli ako ng kalabog.

"Napaka walang kwenta mo talagang anak!"

I bit my lip. I cant make a sound. Hindi pwede.

"Simula nang napunta ka sa maynila nagkaganyan ka na!"

Napakuyom ako ng kamao. Remembering how she hurted me physicaly and emotionally when I was a kid. Yes, binubugbog ako ng nanay ko. Konting kasalanan, no dinner for me. Sa tuwing sasabihin ko opinion ko, puputok ang labi ko.

"Erise!Buksan mo tong pinto! Buksan mo to!"

Sa sobrang lakas ng kalabog ng pinto, natakot ako. Nadala na siguro ng adrenaline kaya dali dali kong nahila yung drum naming may tubig malapit sa pinto. Ginamit ko yon pang harang. Tuloy tuloy na umagos ang tubig mula sa shower.

"Ang dami ko nang pinaalala sayo! Pero hindi mo parin ginagawa! Ngayon ka na nga lang umuwi dito ganyan ka pa!"

Napahawak ako sa dibdib ko. Damang dama ko ang libo libong invisible na kutsilyong sumaksak sa dibdib ko. Naninikip ito at hinihiling ko na sana mamatay na nga ako.

"Ano? Hindi mo to bubuksan! Umiiwas ka nanaman!"

Oo. Umiiwas ako. Palagi.

"Anong pinaggaga-gawa mo doon ha? Bakit ba lagi kang ginagabi? Siguro inuuna mo nanaman ang kung ano ano bago pagaaral mo eh!"

Hindi ako sumagot. Kung sasagot lang ako, wala naman silang alam. Hindi ko sila kasama sa mga panahong kailangan ko sila. Yes, malambing si papa. Nakakausap ko. But most of the time, kapag nasa puntong conflict na ng buhay ko, wala na. Wala na syang pakealam. Wala na silang pakealam.

Palagi akong ginagabi noon dahil gabi ang uwian ko. I dont like going home dahil mas lalo ko lang nararamdaman ang pagod. Dahil hindi naman ako accepted. Kahit saan ako pumunta.

Hindi kasi ako katulad nila.

Ngayong taon naman, ginagabi ako dahil sa practice namin para sa school. Kung minsan, sa bahay ng kaklase ko ako nags-stay.

"Ma, wag mo na syang pilitin. Kung gusto nya, dyan nalang sya sa cr. Bahala sya dyang mamatay sa lamig."

My dad sounded so serious and sarcastic. Lalong sumakit ang ulo ko. Parang pinipiga para makalabas ng luha.

"Nako! Ewan ko ba dito sa anak mo! Kinausap nanaman ako ng nanay mo! Ako nanaman ang masama! Kung ano ano kasing pinag-gagagawa sa maynila! Palagi daw type ng type sa cellphone! Inuuna nanaman yang pagsusulat nya!"

"Ma, pinagsabihan ko na yan. Alam nyang wala syang mararating sa baba ng pangarap nya."

And that's when I was crushed into pieces.

Lahat ng taong mahalaga sa akin, mababa ang tingin sa akin.

When I closed my eyes, memories flashed into my mind. I saw saturn standing in front of me. Yun nga lang, likod nya ang kaharap ko. He's talking to Tina.

Stained HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon