Inspiration.
Maaga palang ay tumayo na ko. Buti nalang sa kabila ng pagod ko ay nauna parin akong magising kay Ziex. I decided to prepare him breakfast para naman maibsan ang pagiging pabigat ko dito sa unit nya.
"Sabay na tayong pumasok?"
"Wag na. Matanggal ka pa sa trabaho." sagot ko sa kanya.
Wala naman saming sinabi na bawal yon but it doesnt mean na pwedeng makipaghangout kaming mga trabahador sa mga boss. Writer/Proofreader lang ako sa Constance habang sya yung pinaka head sa contance films. And now, he's willing to produce a movie that will be written by me along with Ma'am Contance. Nakakailang sumabay sa kanya kapag nasa trabaho kami.
Nakakainis. Naabot ko naman ang pangarap ko pero bakit ganun? Pakiramdam ko hindi ako mataas?
Inihatid nalang ako ni Ziex sa di kalayuan ng building. We bid our goodbyes saka ako naglakad papuntang building at sya naman ay nagdrive papuntang trabaho. Magkaibang building kasi yung films at publishing.
I sighed. Ngayon, minabuti ko nang magayos. Its First day of the 14 days na ibinigay sakin ni Ma'am Constance. Kaya ngayon, determinado akong maipasa muna mga pinroofread ko through emails saka ako maghahanap ng inspiration para sa gagawin kong storya.
"Goodmorning!" nakangiting bati ko kay Sherwin.
Napanganga si Sherwin sakin. "Asan si Erise? Erise Maniego?"
Napatawa ako. "Loka loka."
Lumapit ang bakla sa akin at tiningnan ang repleksyon ko sa salamin na nakalagay sa table ko. "Gosh! Ang ganda mo talaga! Sure kang ayaw mong maging babae?"
Muli, tumawa ako.
Palagi ko kasing sinasabi sa kanyang ayaw kong maging babae sa tuwing sasabihin nya kong maganda. Not because I hate what god gave me but unfortunately, I dont like this because it failed me.
I am attracting guys because of beauty. But my beauty is also the reason why guys dont take me seriously.
Kaya lang ako nagustuhan noon dahil sa ganda. Kaya lang ako nagustuhan ni saturn noon dahil sa itsura ko. There, no sugar coating.
"Alam mo, I want to see you like this everyday. Can we do shopping later?"
Napawi ang ngiti ko sa sinabi ni Sherwin.
"Sherwin--" sasabihin ko sanang wala akong pera at hinarap sya dahil komportable naman ako sa kanya. Sherwin is a true friend. Hindi sya yung tipong makakasama mo lang dahil sa nakakaangat ka.
"Shh! Alam ko. I shoshop ko lang yung mga gusto kong gamit. Pero sayo ko ipapasuot kasi bawal magcross dress dito sa work diba? Dali na. Mumurahin lang bibilhin natin promise."
I smiled and nodded. Kailangan ko rin kasi sigurong mag unwind. Kailangang mabawasan ang mga iniisip ko for a while dahil magsusulat pa naman ako ng storya.
Nang mai-email ko na kay Ma'am Feliza lahat ng dapat kong i-email, lumapit ako kay Cherry.
"Cherry, Pupunta lang ako ng coffee shop. Susulat lang."
Cherry smiled. "Sige po. Nakausap na naman na ko ni Ma'am Feliza at pwede daw po kayo dahil work din naman ang gagawin nyo."
"Oh. Thanks. Sige aalis na ko."
"Sige ma'am. Baka sa coffee shop nyo na mahanap yung lovelife nyo."
Natigilan ako. Napakunot ang noo ko sa sinabi nya. Lovelife talaga?
![](https://img.wattpad.com/cover/103654118-288-k781498.jpg)
BINABASA MO ANG
Stained Heart
RomanceShe's Erise Maniego. A woman full of passion and hardwork. Wala nang oras para sa sarili pero maraming oras para sumulat. While he's Saturn De Guzman. A man with fame and money. Maraming oras para gawin ang gusto pero walang oras para hanapin kung a...