Chapter 30 (Part 1)

13 0 0
                                    


Isa kang buwan at isa akong bituin.

I parked my car in front of her house. Bumilis ang tibok ng puso ko nang mapagtantong totoo nga.

Dito na nga sila tumutuloy.

Everyday, bumabalik ako kay bianca. Doon lang ako sa labas, nakatanaw.

But right after I saw her from the bookstore yesterday, sinundan ko kaagad sya. Sucessfully, nalaman ko ang bahay nya at masasabing kong umunlad na rin talaga sya.

I sighed. Tinanaw ko lang ang bahay nila.

Kamusta na kaya sya? May boyfriend na ba sya? Manliligaw? Ka-M.U? Natupad nya ba ang mga pangarap nya?

Sumulyap ako sa cellphone ko at sa librong nakalagay sa passenger seat.

Stained Heart.

So natupad pala talaga ang pangarap nyang maging writer?

There's actually one thig that really bothers me the most, at iyon ay ang pareho sila ni Bianca. Pareho silang boyish, pareho silang simple at pareho silang marunong magsulat.

Ang kaibahan nga lang, its erise passion. Unlike bianca, past time nya lang.

She considers writing as a simple thing.

She reads yes. But she's not into deep stories like erise. Mahilig sya sa mga facts and histories.

Parehas kami. Mahilig kaming dalawa sa siyensiya.

Bianca's firm. Mahinhin, focused, responsible and so kind. Ni minsan, hindi sya nagalit. It seems like our relationship was so perfect. Na walang problemang inaabot.

Yun nga lang, marami akong kinaseselosan.

As the boyfriend, I want to be protective. Nagtatry naman akong kausapin sya para kahit once, magaway kami. Pero her words keeps on staying it low. Under sya sakin, habang under ako sa kanya.

at naboboring na ko.

At naiinis ako sa sarili ko dahil doon. Alam ko na ilang taon ko syang hinintay. Ilang taon kong pinangarap na maging boyfriend nya. Kaya nararapat lang na maging masaya ko kasi hindi kami nagaaway. Tahimik ang relasyong meron kami. Masaya dapat ako kasi napasa akin na sya. Nagkakasundo kami sa lahat. Walang sakit na nararamdaman.

But the days went by. Nakatago lang ang libro nyang sinulat sa kotse ko. Palihim lang akong nasa subdivision nila.

And day by day, I realized, hindi na si bianca ang pinupunta ko.

Si Erise.

Nagsisi ako sa naging output ng relasyon namin ni bianca. Not the way I was guilty noong nasaktan ko si Erise nung highschool.

Last week of december noon. Mag ne-new year na. Bigla ko nalang napansing walang tao sa bahay nila.

"Ate, nasaan po yung mga nakatira sa bahay na to?"

"Ay pogi wala eh. Nasa batanggas."

I nodded and said thankyou. Of course, pasasalamat sa sagot nya. Hindi ko na kailangang magpasalamat sa pag tawag nya sakin ng pogi.

Stained HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon