Disregarded Script.Days have passed, mabilis na nagawa ang mga scene na dapat i shoot. Mavie and Saturn are really working proffesionally. Yun nga lang, may times na hindi naibibigay kaagad ni Mavie yung tamang emosyon. So she have to have a mini workshop with me. Kung saan ipapaliwanag ko sa kanya yung dapat na emosyon. So she's not stiff.
Shaira's cold. So that's what she will be. Readable yung emotion nya sa kabila ng mga mata nyang straight kung tumingin.
Sometimes, shaira is me. But all the time, shaira is the person I want to be.
Kaya as much as possible, I dont want her to look stupid in the movie like me.
"Ano ba yan Mavie! Dont move too much! Mavie na yan eh, hindi na shaira!"
Naalarma kaagad ako nang marinig ang sigaw ni Direk Bong. Lumabas sya mula sa tent kaya napatayo ako habang hawak hawak yung kopya ko ng script.
"Ang dali dali lang naman ng gagawin mo diba?! Nasasayang yung oras namin sayo teh! Lulubog na yun araw!"
Galit na galit yung itsura ni Direk Bong. Maski ako kinakabahan. Paano pa kaya si Mavie na syang pinapagalitan?
Highschool palang kami, malikot na sya. Saka mahilig mangtrip. Hindi ko alam kung open minded lang or what. Nanghihipo nga yan ng lalaki. Which is kinda disturbing.
"Direk, ituturo ko nalang po sa kanya." magalang na sabi ni Direk Chinggay.
Namamewang si Direk Bong. "Ilang beses nang tinuturuan yan! Pati tong si Erise nakailang paliwanag na dyan! Puro pagt-trip lang ang alam!"
Ouch.
Ganito talaga pag taping. Dudurugin talaga ng direktor yung pagkatao mo. Boosting you up.
tiningnan nya ako bigla. Hindi ako nakagalaw.
"Erise, sampulan mo nga muna to! Tanga tanga!" inis na sabi ni Direk Bong.
Mabilis na kumilis ang lahat. Maski ako. May ilang scenes na kasing ako ang nagpakita kay Mavie kung paano. Pero hindi ganitong sitwasyon.
Galit si Sir Bong. Intense scene with Saturn pa.
God.
"Alam mo kung anong emosyon ni Shaira dyan diba?"
I nodded. Mabilis nanaman ang tibok ng puso ko.
"Ikaw Ronnie, alam mo na yung gagawin mo. Sunset, Practice ng stage play nyo sa school kaya't kailangan nyong gawin yung sa scene kung saan lovers sila. Ok?!"
Lahat ay kumilos na para sa set up. Ako naman hindi ko malaman ang gagawin.
Matagal tagal ko din syang hindi nakasama sa isang eksena.
"3...2...1 Action!"
I slowly took a breath. Dahan dahan akong tumingin pataas para matingnan ang mukha ni Saturn.
"I love you. 143 my loves."
Shit.
The way he looks at me, ganun sya tumingin sa akin, 11 years ago.
Fuck. Sa isang taon na magkasama kami sa school year, minahal ko sya ng patago. Nagpanggap ako. Naging masaya ko.
Kasi nagkakaron na sila ng connection ni Bianca nun.
With longing eyes, I just stared at him. Because all the feelings that shaira felt, I felt it. At ngayon, the way Ronnie looks at Shaira, Is how Saturn really looked at me before.
![](https://img.wattpad.com/cover/103654118-288-k781498.jpg)
BINABASA MO ANG
Stained Heart
RomanceShe's Erise Maniego. A woman full of passion and hardwork. Wala nang oras para sa sarili pero maraming oras para sumulat. While he's Saturn De Guzman. A man with fame and money. Maraming oras para gawin ang gusto pero walang oras para hanapin kung a...