Chapter 1

35 2 2
                                    

Erise.

"Uunahin mo pa yang pagsusulat mo? Alam mo namang malapit nang mamatay sa gutom yang pamilya mo!"

Hindi ako sumagot. Naramdaman ko nalang na dumampi sa mukha ko ang sandamakmak sa bond paper kung saan nakaprint ang mga manuscripts na ipapasa ko.

"Hala sige! Unahin mo yang pagsusulat mo! Tingnan ko lang kung mapapakain ka ng ink ng ballpen mo! Palagi nalang sarili mo ang iniisip mo!"

Agad akong nagulat at napaiyak nang makitang basag na ang screen ng laptop ko. Nakabukas parin ito pero may crack na sya at paniguradong mahirap na sya gamitin.

Dali dali akong lumapit sa mga gamit kong nakakalat sa sahig.

"Yan! Matuto kang mabuhay ng magisa sa labas nang maramdaman mong naghihirap na tayo dahil dyan sa letche mong pangarap!"

Tahimik akong humikbi at napapitlag nang padabog na isinara ni tita ang gate ng bahay namin.

Just when you thought my story is fun and full of wonder, Just look at me at malalaman mong hindi.

I dreamed of being a writer eversince. And now here I was, akala ko magiging masaya ang flow ng lahat sa story plot ng buhay ko. Akala ko magiging madali na ang lahat because Im already living in my dream.

But now, here I am outside our house. Basag ang laptop, punit punit ang manuscripts. Kalat kalat ang journal notebooks at ballpens. Isang backpack lang ang naihagis sa akin and thankgod my personal things is in here and its enough for me to survive here outside.

Nang malikom ko na lahat ng gamit ko ay tumayo na ako at pinunasan ang luha. I have money here but Im not sure kung kasya ba to.

I took out my phone. 15 percent nalang.

I sighed and brought it back to my pocket saka naglakad. Madilim ang lugar pero may street lights. Siguro maglalakad nalang ako buong gabi. Kung saan na ko makarating ok lang. Kaya ko namang hindi matulog kahit buong magdamag.

Sa kabila ng matang puno ng luha, naaninag ko parin ang nakakasilaw na ilaw mula sa harapan ko. A car stopped in front of me.

Tumabi ako sa gilid at pilit na pinatigil ang sarili sa paghikbi. Yumuko pa ako para hindi nakakahiya doon sa driver ng itim na Jaguar sa harapan ko.

But it beeped. Malapit na kong makalampas sa kotse pero bumukas ang pinto ng kotseng iyon. Hindi ko pinansin kung sino ang bumaba yet I chose to continue walking.

Ang bigat ng loob ko. All the frustrations, fear and depression that Im keeping inside is devouring me. I feel so numb. Wala na akong pakealam kung makuha pa ako ng mga masasamang loob rito. Atleast I left a set of meaningful words here on earth before I'll leave.

"Miss?"

Someone held my shoulders and forced me to face him. Tama nga ako, sa boses palang alam kong lalaki na.

Pero nang mapalingon ako sa kanya, agad na nanlabo ang paningin ko. Naramdaman ko ang labis na panginginig ng tuhod ko. Ang paghigpit ng dibdib ko at ang pagkaubos ng hangin sa paligid ko. Awtomatikong literal na akog naging manhid. Hindi ko maramdaman ang binti at ang mga braso ko. Pilit akong huminga pero lalo akong napaiyak sa takot.

Stained HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon