Chapter 10

9 0 0
                                    


Fine.

''Erise! Sandali!"

Hindi ko pinakinggan si Saturn. Sumakay kaagad ako ng elevator at pinunasan ang luha ko. I dont want my relatives to see me crying. Kaya kanina, while we're in the car, I already cried my all worries out.

Sinundan ako ni Saturn. Alam nya kung gaano kahalaga sakin amg lola ko. Alam nya kung gaano kasakit saking malaman na naospital sya ngayon.

I am afraid. She's old.

"Erise."

Nilampasan ko si papa at sinilip si lola sa pinto. Saturn was behind me.

I saw dad became confused when he saw a guy with me. Kaya naiilang man, pinakilala ko si saturn.

"G-good evening po."

Tumango lang si papa sa kanya at hinarap ako. "Nagaaway sila ng lolo mo kanina. Hanggang sa mastress na yung lola mo. Nadulas sya kakapilit na maglakad. Napasama yung bagsak nya. Tapos may sugat nanaman pala sya. Hindi nya nanaman sinasabi."

I took a breath. Trying myself not to cry.

"Si lolo? Kamusta?"

"Nasa bahay. Kalmado na. Nililibang muna sya ni Eina. Baka kasi atakihin muna sya ng Alzheimers nya. Wala ang mommy mo saka si Ellie sa bahay."

Hindi ako sumagot. Malamang hindi rin magbobother si mommy na pumunta pa dito sa ospital.

"Papunta na rin yung mga pinsan mo. Pati yung tito mo saka mga tita  mo mamaya."

Hindi ako sumagot at lumapit kay lola. She's asleep.

"Labas muna ko. Bibili lang akong pagkain."

I dont know what's gotten into me pero tinawag ko si papa bago sya tuluyang makalabas ng pinto.

"Pa, kelan pa naospital si lola?"

"Kagabi."

Sabi ko na nga.

Nahihiya si papa. Alam ko. Dahil sa kanilang magkakapatid, sya ang pinakaminamaliit dahil wala sya masyadong mataas na progress sa buhay. But too bad, I am here. Hindi naman ako papayag na habang buhay silang ganyan.

I sighed and took money from my wallet. "Pa."

"Para san to? May papabili ka ba?"

Umiling ako. He got what I said.

Ilang segundo nyang tiningnan yung 500 na binigay ko. My father looks stressed too. Kahit may sama ako ng loob sa kanila, I still care.

when he finally got what I said, He looked at me and hugged me. "Salamat anak."

I tapped his shoulders saka kumawala. "Kumain na po kayo."

Umalis na si papa. Bumalik ako sa upuan sa tabi ng kama.

And saturn was just there, staring at me the whole time.

Stained HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon