Chapter 30 (Part 2)

20 0 0
                                    


Cross my heart,hope to die.

A loud knock distracted me from my thoughts. Pagbukas ko, si kuya.

"Syota mo nasa labas."

Kumunot ang noo ko. "Si Erise?"

Sya naman ang nagulat. "Iba na girlfriend mo? Nice bro. Chickboy ah?"

Doon naman nagiba ang hilatsa ng mukha ko.

Pangatlong girlfriend ko palang si Erise. Yung una, nung grade 7 ako. Napilitan lang ako noon at sinubukan dahil sa kuryosidad. Pero nung naging kami na, binreak ko rin dahil bata pa ko noon. Hindi para sakin ang pakikipagrelasyon.

Tumawa sya. "Si Bianca. Nasa baba."

"Hiwalay na kami." pirmeng sabi ko saka isasarado sana ang pinto pero pinigilan nya ko.

"Bitter ka parin ba sa kanya?"

I sighed. "Ayoko syang makita kuya."

He gave me a teasing smile.

"Pano ba yan? Pinapasok na ni mama?"

Nanlaki ang mata ko. "Ano?"

Dali dali akong nagtatakbo pababa. Leaving him laughing.

Pagbaba ko, nandon si bianca.

"Ma."

"Andito ka na pala. O siya, kausapin mo si bianca. May sasabihin daw syang importante sayo."

Tumango ako kay mama. Tataas na sana sya ng hagdan pero tumigil rin sya.

"Anong oras nga pala yung movie mo?"

"Mamayang alas sais ng gabi ma."

She nodded. "Sabihin nyo lang kapag nagugutom kayo. Lulutuan ko kayo."

Tumango nalang ako kay mama. Pag alis nya, lumingon ako kay bianca.

Seryoso ang mukha nya.

Saka ko lang naramdaman ang lamig sa balat ko. Nyeta. Sa sobrang pagmamadali kong bumaba, nakalimutan kong topless ako.

Hay nako.

"Bakit ka nandito?" tanong ko sa kanya.

Napasulyap ako sa wall clock. 6:54 palang ng umaga. Ang aga aga nyang pumunta rito. Malamang importante talaga sasabihin nya.

"We need to talk."

Umupo ako sa isang pang isahang sofa sa tabi nya. Naka upo kasi sya sa mahabang sofa namin. Binigyan pa sya ng juice ni mama.

"Anong paguusapan natin?"

Hindi sya makatingin sakin. Nililikot nya lang ang back pack nya.

"About erise."

I sighed. "The book, or my girlfriend?"

She took a deep breath. Sa isang taon na relasyon namin hanggang ngayon, hindi ko parin sya mabasa. Para bang hindi pa sya nagoopen up ng tunay nyang pagkatao sakin.

"Both." she answered.

Hindi ko inexpect na seseryosohin nya yung sarcasm ko. Pero magandang pagusapan na nga parehas.

I sighed. "Anong paguusapan natin tungkol don?"

"Napanood ko yung presscon nya."

Oh. that.

Naalala ko nanaman ang away namin ni erise.

Parang sinaksak yung dibdib ko. Si Erise lang talaga ang nakakagawa sakin nito. Yung bumababa yung tingin ko sa sarili ko.

Stained HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon