Chapter theme: Kiss me by ed sheeran.
Bakit?"Huy...tama na yan beshie."
Umiling ako. I took another shot of JD.
Ang sarap eh! Hindi ko mapigilang uminom ng uminom.
I heard him laugh. "Beshie lasing ka na."
Ako naman ang natawa sa sinabi nya.
I leaned on the table. I crossed my arms saka ipinatong ang ulo ko.
"Mas mukha pang lasing yung nasa dance floor."
"Beshie, nagaayos na sila para makauwi na tayo."
I pouted. Kumurap kurap ako.
Hindi naman ako lasing eh! Inaantok lang.
Nangalumbaba ako saka kinuha nalang yung bote ng isang champagne. Dun ako mismong straight na uminom.
wala nang JD eh.
"Beshie di yan softdrinks. Lasing ka na."
Umiling ako. Ang bigat lang ng ulo ko. Pano kasi may brocolli yung pizza kanina.
"Ikaw ang lasing, Besie dapat ginagawa mong beshie."
Napasinok ako. Shems. I need more drink.
Sino bang nakaalala sa akin?
Uminom ulit ako ng champagne.
Naramdaman kong may tao sa likod ko. Walang pagaalin langan ko iyong sinandalan. Nasa kaliwa ko kasi yung sandalan ng upuan kasi nakaharap ako kay beshie.
Grabe, color purple pala disco lights? Ang korni.
I laughed.
"Gosh, di ko akalaing magiging lasengera ka nak."
Tumingala ako. Nakita ko si ella. nakabaliktad.
Kinurot ko ang pisngi nya. "Ang sarap nung buttered shrimp na luto mo kanina."
"Si Arelyn nagluto nun Nak. Now lets go home ok?"
"Ano ka ba ella, sobrang lasing na nyan. I check in nalang natin sya rito sa hotel. Kailangan ko na rin makauwi kasi may flight pa kami bukas." dinig kong sabi ni tyra.
I frowned. "Hala! Aalis ka na?"
Tumawa sya. "Flight attendant ako teh."
Naramdaman kong may pumalo sa noo ko. Halos maiyak ako kasi antok na antok na talaga ko tapos ginanon pa ko.
The world is cruel. Magkakatitans na ba?
"I check in nalang natin sya tapos asikasuhin. Tawagan nalang natin si ziex para puntahan sya." dinig kong sabi ni Xia.
"Eh sina Drenie? Asan na?" tanong ni Tyra.

BINABASA MO ANG
Stained Heart
RomanceShe's Erise Maniego. A woman full of passion and hardwork. Wala nang oras para sa sarili pero maraming oras para sumulat. While he's Saturn De Guzman. A man with fame and money. Maraming oras para gawin ang gusto pero walang oras para hanapin kung a...