Chapter theme: Hiling by Silent SanctuaryAko, ikaw,
Tayo."Nung nagkaron ng depression si Erise sobra sobra ang naging pagsisisi namin. Ilang oras syang nagkulong sa CR nung araw na yon. Pagbukas namin, nakahiga na sya sa sahig. Umaagos na yung dugo sa pulso nya."
Parang dinurog muli si Saturn nang marinig mula sa mga magulang ni Erise ang kwento ng totoong pangyayari noon.
Minabuti ni Saturn na lumalit sa magulang ni Erise at humingi ng tawad. Hindi naging madali ang pagsuyo sa mga magulang ni Erise. Ngunit kalaunan, pumayag na rin itong kausapin sya tungkol sa nangyari.
Lalo pa't pinangakuan nya ang mga ito na tutulungan nyang maging maayos ang pagitan nila ni erise.
"Hindi namin napansin yung mga sintomas kasi hindi naman namin alam. Nagkukulong palagi si Erise sa kwarto nya. Doon pala sya tahimik na umiiyak. Wala syang kinakausap sa amin. Kapag nagagalit sya sa isang bagay, sobra sobra. Kasi marami na pala syang matagal na kinikimkim."
Patuloy na nakinig si Saturn sa ikinukwento ng mga magulang ni Erise. Nagsimula nang maiyak ang kanyang ina.
"Sana sinuportahan ko na sya noon pa. Sana inasikaso ko pa sya. Para hindi nya naramdamang nagiisa sya."
"Pagkatapos magising ni Erise sa ospital, wala syang kinausap. Ilang buwan syang hindi nagsalita. Laking pasasalamat namin kay Ziex dahil hindi sya sumukong kulitin ang anak ko. Si Ziex lang ang tanging kinausap noon ni Erise."
Saturn sighed. If he wasnt just a jerk, then maybe he had a chance to help her. Kung hindi lang sana sya naging inconsiderate, then maybe nakabawas sya sa mga sama ng loob na dinadala ni Erise.
Erise is just a girl with a stained heart, thinking she was never enough. Living half of her life questioning her own worth. Questioning her capacity to love, and to be loved.
"Mahal po kayo ni erise. At alam ko pong miss nya na rin kayo. Ilang taon na po syang nagkikim kim ng sama ng loob. Kayo po yung pinaka kailangan nya ngayon."
Sa sinabi ni Saturn, pumayag ang mga magulang ni erise na pumunta ng unang presscon nya as a writer.
~♡~
"ARAY PUNYETA MASAKIT!"
Napatawa si Saturn sa kabila ng sakit na nararamdaman habang pinipiga ni Erise ang kanyang kamay.
Sa bawat pagdikit ng karayom sa pulso ni erise, kasabay nito ang walang humpay nyang pagmumura. Halos maiyak na si Erise sa sakit.
Niyakap ni Saturn si Erise habang natatawa. Sinandal ni Erise ang ulo nya sa balikat ni saturn habang iniinda ang matinding sakit.
"PUTCHA KUYA ANG TAGAL NAMAN MATAPOS!"
Mas lalong napatawa si Saturn sa sinigaw ni Erise.
"M-ma'am tapos na po."
Hindi gumalaw si Erise at nanatili sa balikat ni Saturn. Saturn kissed her in the forehead.
"Okay na my love."
Erise took a deep breath before trying to move. Humiwalay na sya sa yakap ni Saturn and she looked at her pulse. Saturn cant help but to smile at the beautiful view.
BINABASA MO ANG
Stained Heart
RomanceShe's Erise Maniego. A woman full of passion and hardwork. Wala nang oras para sa sarili pero maraming oras para sumulat. While he's Saturn De Guzman. A man with fame and money. Maraming oras para gawin ang gusto pero walang oras para hanapin kung a...