Kamusta ka na?"Well wala naman talaga sya sa plano ko but it all just went out."
Hindi ko sya tiningnan.
Wow. Just wow.
Nilikot ko nalang ang pagkain ko. Hinding hindi talaga sya mauubusan ng kayabangan sa katawan.
But he laughed.
A laugh that I never heard eversince. A laugh that I never wished to hear again.
"De eto na, hindi ko rin nga inakalang magiging artista ko e. Saka alam mo namang hindi ko hilig yon. Until one day, may nagfilm ng short film malapit sa bahay namin. Sa bulacan? Doon na nagsimulang mapili akong isang actor. Hindi naman leading role yon pero nagustuhan nila yung acting ko. Sabi nga nung iba, natural lang talaga sakin yung nakuha kong role kasi taga doon ako. Pero nalaman nilang taga manila talaga ko kaya ayun, nagsunod sunod na. Hanggang sa naging totoo na kong artista."
Nakayuko parin ako at nilalaro ang pagkain sa plato ko. Ngumuso ako at huminga ng malalim.
"Ang bilis mo naman maggrow as an artist." sambit ko.
Like hell. Kung sasabihin nya saking that happened five years ago, siguro convincing pero hindi parin ako maniniwala. Nagaaral pa sya at 20's hindi sa alam ko dahil sa pangiistalk, pero alam ko because of common sense. Isa pa, hindi ko sya iniistalk.
Never did. Never wanted to.
Ayokong mabalitaan mga kalandian nya. I already forgot him! Sa lahat ng makakatrabaho ngayon, bakit sya pa.
"Ganun talaga pag pogi. Oo nga pala, yung role ko don? Isa kong good boy na nainlove sa isang bad girl."
And his english accent. Damn. Hindi na sya bulol sa Sh kagaya ng dati. Ngayon para bang ang fluent nya na. Ilang english book kaya ang nalunok nito? The way he looks changed too. Pormang porma na sya ngayon.
But wait, Good boy na nainlove sa bad girl?
Tiningnan ko sya. Nagpatuloy sya sa pagkwento.
"Hindi ko nga alam eh. Pero familiar. Secondary chacter lang yon kasi yung totoo talagang story, yung bestfriend nung bad girl saka yung isang bad boy din. Basta naging good sila parehas don. Kaso yung bestfriend nung bad boy na good boy, at ako yun ah. Ayun, nainlove dun sa bestfriend ni bad girl. Which is naging tulay sa love story nung dalawang bad."
I nodded.
Akala ko relate ako sa story. Di pala.
Binalik ko nalang ang atensyon ko sa pagkain ko.
"Nga pala, ikaw? Kamusta ka na?"
Nilingon ko sya. I sighed saka nagkibit balikat. The usuall answer, "Okay naman." ang isinagot ko.
Ngumiti sya. He bit his lip and ran his hand through his hair.
"you still wear shirts and ripped jeans huh?"
Napataas ako ng kilay sa sinabi nya. I dont know, para kasing imbis na matuwa ako sa supposed to be compliment nya ay naoffend ako. Hindi ko talaga siguro gustong marinig iyon mula sa kanya. Para bang minamaliit nya nanaman ako. Para bang me, for not having a change is dissapointing by the way he talk.
![](https://img.wattpad.com/cover/103654118-288-k781498.jpg)
BINABASA MO ANG
Stained Heart
RomanceShe's Erise Maniego. A woman full of passion and hardwork. Wala nang oras para sa sarili pero maraming oras para sumulat. While he's Saturn De Guzman. A man with fame and money. Maraming oras para gawin ang gusto pero walang oras para hanapin kung a...