Chapter 13

6 0 0
                                    

Bianca.

I  took a deep breath.

Nandito ako ngayon sa village namin. Malayo sa Quezon, Malayo sa apartment ko. Kinakabahan ako at malakas ang tibok ng puso ko but I badly wanted to know everything that happened. I badly wanted to calm my nerves up.

Hindi ako pinapatahimik ng utak at puso ko for the past 10 years. Hindi man palagi but its still bothering me. Kahit pa naging ok kami noon ni Saturn, hindi parin ako pinapatahimik ng konsensya ko.

Kapit kapit ang librong Erise, lumapit ako sa guard house sa entrance. Kilala na ako ni Manong Henry kaya hindi na ako nag alangan na magtanong sa kanya. Kilala nya lahat ng tao rito.

"Good morning po. Manong, saan dito tumutuloy Sina Bianca Mariones?"

Nagulat si Manong sa akin. "Diretso ka lang iha, yung gate na may nakalagay na 263. Kanila yon. Ay teka, kamusta ka na nga pala? San ka na tumutuloy?"

"Sa Quezon na po. Mas mabuti na kasi malapit sa trabaho."

Namulsa si Manong. "May kotse ka naman. Diba? Yung niregalo ng tito mo sayo? Asan na?"

I smiled sadly. "Nasa kanila pa po eh." sambit ko. Itinutukoy ang mga kamag anak ko.

Meron talaga kong kotse.Pero never kong nahawakan dahil binawi sakin. Dahilan nila, hindi pa ko responsible enough for driving. Pera ko pinambili doon pero hindi ako nagreact habang ang tita ko ang nakinabang. Pero ngayon, binawi raw. Ibinenta para pambayad sa pampaospital ni lola. Ooperahan daw kasi sya. Sadly, tuluyan nang malulumpo si lola. Pero wala kaming magagawa. Dahil kung mags-spread pa ang bacteria at damage sa sugat nya sa paa, baka naman matuluyan sya. Aside from that, hospital fees pa saka doctor fees, pati na rin mga gamot na kailangan nyang inumin.

Nagpaalamanan na kami ni Manong Henry saka ako naglakad papasok ng subdivision. Nang makarating ako sa tapat nila, halos himatayin na ko sa kaba.

Breath Erise. Kakausapin mo lang sya.

For the first time.

Yes. Unang beses namin itong maguusap. Ten years ago, we never did. I mean, I approached her once. She just smiled. Then yun, wala na.

We're strangers with memories. Literally and figuratively.

Nagdoorbell ako. Hindi rin nagtagal ay may nagbukas na ng gate.

Its her.

"H-hi...Erise."

I stayed serious. "Can we talk?"

~♡~

"Hindi ko nga alam. Kasi nung tugsayawit natin, Nakita ko ulit sya. Parang tumigil ulit yung mundo ko. Parang natunaw ulit ako sa ganda nya. Lalo na nung naglinis sya, bigla nalang akong napa 'wow' "

"Nakita mo lang sya ulit nagkagusto ka na kaagad? Akala ko ba mahal mo si Erise?"

"Hindi ko alam Tina. Pinilit ko naman eh. Sobrang selosa nya na. Selos na selos sya masyado kay Mavie. Ayaw akong kausapin ng maayos. Paano pa kaya kung kami na?"

"Pinilit? Ano ba talaga saturn? Sabihin mo nga, Minahal mo ba talaga si erise o naudyokan ka lang?"

"Hindi ko alam."

Stained HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon