When its real.
"Hoy anong oras na hindi pa ba tapos yan? Kailangan nang magsimula ang kasal!"
Tumakbo papunta sa akin si Gina. Hingal na hingal sya ang like me, she's stressed.
"Mavie's not finished yet. Hindi pa ayus yung itsura nya!"
"Pero alam nya na ba yung gagawin?"
"Im sure she does."
"Calm down." dinig kong sabi ni Ziex sa tabi ko.
I sighed. I dropped the script sa isang upuan rito sa church. The set up was so beautiful.
Nandito kami sa batangas. Sa Calueruega church.
A place where I dreamed to have my very own wedding.
Lumapit ako kay Direk Chinggay.
"Ma'am, pwede naman sigurong ibang scene muna."
"No Erise. Alam mong dapat sundin kung ano yung nasa plano. Masisira lahat saka mahihirapan sa pagedit."
I sighed. Naka stay in sa hotel si Mavie. Sa tagaytay lang naman iyon kaya siguro 15 minutes lang ang byahe papunta rito. Hindi ko alam kung anong nangyari at bakit hanggang ngayon, wala pa sya.
I heard a curse somewhere. Agad akong naalarma.
"Bakit nandito satin yung wedding gown ni Mavie?! Shet naman oh!"
My jaw dropped. Tumakbo agad ako sa kinaroroonan ng ibang staff sa labas. May isang costume na dala dala si Rina.
"Bakit nandito to?" alalang tanong ko.
"S-sorry ma'am. Naiwan po kasi sa akin kahapon. Hindi ko nadala sa hotel."
"WHAT?!"
Direk Chinggay bit her nails. Kinakabahan rin sya kagaya ko.
"Asan si direk?" tanong ko.
"N-nasa tent. Natutulog."
Napasapo ako sa noo ko. This is disaster!
"Bago magising si Direk dapat nakaayos na lahat."
Chinggay's right. We're so dead.
Actually, dapat natatakot kami dahil si Ziex ang producer pero chill chill lang sya rito. Hindi sya nagagalit. In fact, he's been checking out his phone. Almost every minute lately.
Kung may girlfriend na sya or seeing someone, then its definitely ok.
I mean, crush ko lang naman sya.
"Nandito na si Saturn!"
Nagkagulo ang lahat kay Saturn nang makapasok ng church.
Hindi ko na tuloy nakita itsura nya.
"Sandali, Mike paki ayos naman yung set! Pupunta lang ako sa extra's para maicheck kung ok na ba si father." paalam ni Direk Chinggay at umalis na.
Nanatili akong nakatayo sa pwesto ko.
Nagkumpulan ang mga tao kay Saturn. Marami ring mga nakikichismis. Mga extra at staff na kitang kita ang paghanga sa kanilang mukha.
Pero humati ito sa gitna.
It revealed Saturn. Wearing a tux. Looking so damn georgous.
Halos pumunta ko sa altar at lumuhod sa diyos.
BINABASA MO ANG
Stained Heart
RomanceShe's Erise Maniego. A woman full of passion and hardwork. Wala nang oras para sa sarili pero maraming oras para sumulat. While he's Saturn De Guzman. A man with fame and money. Maraming oras para gawin ang gusto pero walang oras para hanapin kung a...