Chapter 1

19.3K 279 12
                                    

"Pwede ba Dave itigil mo na to! Ayoko na!" Ang sabi ko sa aking ex.

"Please Chino, give me another chance. Alam kong nagkamali ako ng iwan kita para balikan ang ex ko, pero sa paglipas ng ilang linggo ay naramdaman ko sa sarili ko na ikaw na ang mahal ko at hindi siya." Pagmamakaawa nito.

"Dave, alam mo kung bakit hindi ganun kadali ang hinihingi mong chance? Kasi ako mismo ay hindi mo binigyan ng chance." Ang naiiyak kong sabi dito.

"Alam mo ang tungkol kay Ralph. Kung gaano ko katagal bago ko siya nakalimutan. Kung gaano katagal ang ginugol ko bago ko siya ma-let go sa kanyang pagkawala. Matapos kong malagpasan ang lahat ng iyon ay dumatin ka at akala ko ay totoo ang lahat ng pinakita mo sa akin." Sabi ko at hindi ko na napigilan ang aking pagluha.

"Nung nasa Baguio tayo, si Drew yung kausap mo nun at hindi ang boss mo di ba? Si Drew yung nagpapa-uwi sa'yo kahit pa isang araw pa lang tayo doon. Dave, bakit mo kailangan maglihim? Para saan? Para di ako masaktan? Sa tingin mo, anong naramdaman ko nung sinabi mo sa akin na nakipagbalikan ka at pinaplano mo na pakikipaghiwalay mo sa akin? Sobrang sakit Dave! Kasi muli kong binuksan ang puso ko matapos ang siyam na taon pero hindi mo man lang nagawang suklian ang pagmamahal ko para sa'yo. Ginamit mo lang ako para makalimutan ang ex mo na tunay na nanloko sa'yo!" Mahabang litanya ko.

"Dave hindi ko alam na ganito pala kasakit maging rebound. Pero ang mas masakit dun ay ang ilaan ang puso ko sa taong hindi naman pala ako minahal." Dugtong ko pa.

"Chino I'm sorry. Kung bibigyan mo ako ng pagkakataon, ng isa pang pagkakataon ay itatama ko na ang mga maling ginawa ko. Hayaan mo sana na maipakita ko ang nararapat na pagmamahal ko para sa'yo." Sabi nito.

"See? Pati pagmamahal mo may sukatan. Bakit Dave? Hindi pa ba sapat na nagtiwala ako sa'yo ng buo? Ano pa ba ang kulang sa akin at hindi ko nagawang pasukin ang puso mo? Lahat naman ginawa ko, pero bakit para sa'yo ay kulang pa yun?" May halong inis na sabi ko habang umiiyak pa din sa kabiguan ko.

"Hindi sa ganun, Chino. Gusto ko lang iparamdam sa'yo ang pagmamahal na dapat kong naibigay sa'yo noon pa. Kaya sana Chino, nagmamakaawa ako. Bigyan mo pa ako ng isa pang pagkakataon." Pagpapaliwanag niya.

"Ayoko na talaga, Dave. Minsan na nga lang ako magbukas ng puso ko para sa iba, pero nauwi lang din sa wala. Hindi na kita kaya pang pagkatiwalaan at kung magkabalikan man tayo ay puro pagdududa na lang ang iikot sa ating relasyon." Ang malumanay na sabi ko subalit hindi pa din mapigil ang pagluha ko.

"Kung masakit sa'yo na hindi ka bigyan ng chance, mas masakit sa akin na muling pagdaanan ang kabiguang ito. Alam mo na sa umpisa pa lang ay gusto ko lang magmahal muli kahit na alam kong pwedeng maulit ang nangyari sa amin ni Ralph, pero hindi ko inasahan na ganito kabilis. Five months! Hindi ko tuloy alam kung anong sumpa ang meron sa akin at sa tuwing darating ang ika-limang buwan ay iniiwan na lang ako. Siguro nga I'm not capable of loving and to be loved." At doon na naubos ang lakas ko.

Hindi ko maiwasang pagdudahan ang sarili ko na bakit ganun na lang kabilis ang relasyon na dumadaan sa akin. Noong una ay five months lang din ang itinagal namin ni Ralph dahil namatay ito sa isang aksidente. Ngayon naman ay five months lang din ang itinagal namin ni Dave dahil nakipagbalikan ito sa dating kasintahan. Hindi ko tuloy maiwasang maisip na may sumpa ata ako pagdating sa pakikipag-relasyon.

"Huwag mong sabihin yan, Chino. Ako lang ang may kasalanan dito at hindi ikaw. Mas karapatdapat kang mahalin kumpara sa akin at sa iba kaya huwag mong pagdudahan ang sarili mo." Pagpapakalma nito sa akin.

"Kung tama nga yang sinasabi mo, Dave. Bakit hindi mo ako nagawang mahalin sa umpisa pa lang?"

Yun ang tanong ko na nagpatigil sa kanya. Alam kong tinamaan siya sa tanong na iyon kung kaya't hindi agad siya nakasagot.

BITTERSWEET (boyxboy) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon