NOTE:
Pasensya na kung matagal ang update. Medyo busy kasi at medyo tinatamad na din magsulat. Anyways, here's chapter 19. Salamat ng marami sa patuloy na pagsubaybay.
ENJOY! :)
===============================================
Makalipas ang dalawang linggo matapos ang tagpuan namin sa MOA ay tila ba walang nagbago. Ganun pa din ang lahat. Ang mga set up sa mga taong nakapalibot sa akin, maging ang mga pangyayari sa aking buhay ay parang paulit ulit lang.
Andito ako sa Starbucks kung saan napili kong gumawa ng trabaho dahil sa nababagot ako sa bahay. Sa totoo lang ay minsan hindi naman talaga ako nakakagawa ng trabaho dito dahil napupukaw ang atensyon ko sa mga taong kumakain at nagkakasiyahan sa lugar na ito. Mayroong mga magbabarkada, mga couples at mga katulad kong mag-isa lang. Kung minsan ay napapangiti ako sa mga halakhakan ng mga magbabarkada, kinikilig sa mga magkasintahang sobra sa katamisan at napapa-isip sa kung ano ang iniisip ng mga katulad kong nag-iisa.
"Malalim na naman ang iniisip mo, friend." Ang sabi sa akin ni Joan na kaibigan kong barista.
"Ganun?" Tugon ko naman.
"Oo kaya. Kanina pa kaya kita napapansin. Maging mga kasamahan ko napapansin ka din." Sabi muli nito.
"Ah...naku don't mind me. Nawiwili lang akong mag-observe pag nandito ako." Nakangiti kong sagot.
"Alam mo friend, nakaka-tatlong vanilla frapp ka na at dalawang heaven on earth kaya alam kong hindi lang pag-oobserve ang dahilan ng pagpadpad mo dito." Seryosong sabi niya.
Ang totoo niyan ay may tama siya sa kanyang tinuring. Pinipilit ko pa kasi iwaksi sa aking isipan ang sinabi ni Neil na ginawa nila ni Adriel nung Valentine's Day. Nagtext kasi si Neil isang araw matapos may mangyari sa kanila ni Adriel. Hindi ko alam kung matutuwa ako para sa kanila o maiinggit kay Adriel dahil sa pinapakitang pagmamahal ni Neil para sa kanya. Kahit pa alam kong wala naman akong pag-asa ay patuloy pa din akong umaasa na sana kahit konti ay may nararamdaman din sa akin si Neil, subalit mukhang wala talaga.
"Naku friend, kung gusto mo ng kausap diyan sa dinadamdam mo eh andito ako. Isa pa, pa-isa isa lang naman ang mga pumapasok kaya kayang kaya na yan ng mga kasamahan ko." Ang sabi ni Joan.
"Joan, pangit ba ako?" Ang bigla kong tanong sa kanya na kanya namang ikinagulat. Hindi nagtagal ay natawa pa ito.
"Ah...okay. Alam ko na." Sabi ko habang may pilit na ngiti.
"Anong alam mo na eh hindi pa naman kita sinasagot?" Nagtatakang tanong ni Joan. "Bueno sasabihin ko ang kasagutan sa tanong mo." Pahabol pa niya.
"Alam mo Chino sa totoo lang ay hindi ka pangit. Oo at hindi ka sobrang gwapo, pero hindi ka pangit. Cute! Yun ang mas tamang term." Sagot niya sa tanong ko. "Bakit mo nga pala naitanong?"
"Ah...wala lang." Nakangiti kong tugon sa kanya.
Tinignan lang ako ni Joan at tila ba sinusuri at binabasa ang aking mga mata kaya naman umiwas ako sa kanyang pagtitig. Sabi kasi ng kaibigan kong psychologist ay madali daw mabasa ang nararamdaman sa pagtingin sa mga mata ko dahil expressive ang mga ito kaya hindi ako nakikipag-eye contact gaano sa mga tao.
"Hindi ka gusto ng taong gusto mo, yun ba?" Tanong niyang muli kaya naman napatingin ako sa kanya.
Hindi ako nagsalita dahil hindi ko alam kung aamin ba ako at tamang paglabasan ko siya ng hinanakit ko, pero sa mabilisang pagtititigan namin ay mukhang nalaman na niya ang sagot sa kanyang tanong.
BINABASA MO ANG
BITTERSWEET (boyxboy) (Completed)
RomanceNasaktan ako... Ayoko na... Pero dumating siya. ==<>== Masayang kausap... Nakaka-kilig... Di mapigilan ang tuwa. ==<>==. Nabuhayan... Umibig... Ang sarap sa pakiramdam. ==<>== Subalit... May mahal na siyang iba. ==<>== Magtitiis... Magh...