Chapter 26

4.3K 111 8
                                    

NOTE:

Dahil nagising ako ng wala sa oras ay minabuti ko na lang mag-draft. Mayroon ding bumisita sa Bittersweet mula sa Faces of Love. Kung sino sila ay malalaman niyo din sa pagbabasa ng chapter na ito.

So, here's chapter 26. Enjoy! :)

=========================================

Nagising ako ng matamaan ng sinag ng araw ang aking nakapikit na mga mata at nang mailibot ko ang aking paningin kung saan ako naroroon ngayon ay napangiti ako dahil hindi lang isang panaginip ang nangyari sa amin ni James kagabi. Hindi ko tuloy maiwasang alalahanin ang mga kaganapang iyon na lubos na nagpasaya sa akin.

FLASHBACK

"Nagustuhan mo ba? Happy 1st monthsary, baby." Nakangiting sabi ni James sa akin.

"Happy 1st monthsary din, hon." Sagot ko kay James.

"Halika na at naghihintay na sa atin ang ating mga kakainin." Nakangiting pag-anyaya nito.

Dinala ako ni James sa isang tagong lugar sa Batangas. Isa itong private rest house kung saan kadalasan daw ay mga proposals or solemn weddings ang nagaganap. Kaya pala madaming bulaklak sa paligid na nagpapadagdag sa ganda ng lugar. 

Nang makarating kami sa gitnang bahagi ng garden ay  may isang lamesa at dalawang upuan na magkaharap ang bumungad sa akin. Mayroon ding isang waiter at isang violinist na matiyagang naghihintay at nang mapatingin ako kay James ay ngumiti lang ito sa akin.

"Tara." Pag-aya nito sa akin at kinuha ang kanang kamay.

Sabay namin iyon tinungo at bago pa man kami maka-upo ay tumugtog na ang violinist na lalong nagpa-inlove sa buong lugar. Nang maka-upo kami ay isa isa na din sinerve sa amin ang aming pagkain. Mula sa appetizer, main course hanggang dessert ay talaga namang napakasarap. Hindi man ako mahilig sa mga fine dining dahil hindi ako nabubusog eh satisfied naman ako sa mga inihanda sa amin.

"May I dance with you?" Ang biglang sabi ni James habang nakatingin at nakikinig ako sa violinist.

Tumango lang ako bilang pagsang-ayon at saka inabot ang aking kamay. Sa mga oras na iyon ay pakiramdam ko na babaeng babae ako kahit na lalake ako. Kung tratuhin kasi ako ni James, akala mo isa akong babasaging krystal na kailangan pagkaingatan.

Nagsimulang tumugtog muli ang violinist sa saliw ng A Thousand Years at nagsimula na din kaming gumalaw ni James. Kahit na kaming dalawa lang ni James at ang violinist ang nandoon ay hindi ko maiwasang mahiya. Hindi ko pa kasi naranasan ang ganito, pero isa lang ang masasabi ko...masarap pala.

"Chino?" Pagtawag sa akin ni James habang nakayakap ako sa kanya at sumasayaw.

"Ano yun James?" Balik tanong ko sa kanya.

"Sana lagi tayong ganito." Maiksing tugon niya.

"Kung nanaisin mo naman, kaya natin maging ganito palagi." Sabi ko. "Magastos nga lang." 

Bahagyang napatawa si James sa huling sinabi ko, pero agad din naman siyang napatahimik. Hindi ko alam, pero sa pananahimik ni James na iyon ay may kung anong bumagabag sa akin na hindi ko maintindihan. Pero imbis na intindihin ko iyon ay itinuon ko na lang ang sarili ko sa masayang kaganapan sa pagitan namin ni James ngayon.

"Chino?" Pagtawag muli ni James.

"Hmm?" Sagot ko.

"Mahal mo ba ako?" Tanong nito sa akin.

BITTERSWEET (boyxboy) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon