Andito ako ngayon sa isang bar sa Makati kasama ang naglalasing na si Neil. Hindi ko alam kung ano ang magiging epekto nito sa relasyon namin ni James dahil bigla na lang akong nawala sa coffee shop matapos tumawag si Neil. Nang tinawagan ako ni James at nagtanong kung saan ako nagpunta ay sinabi ko dito na kailangan ako ngayon ng isang malapit na kaibigan. Humingi din ako ng pasensya sa kanya at sinabing babawi ako sa mga susunod na araw. Narinig ko man ang pag hinga ng malalim ni James nung kausap ko siya sa phone, pero bahagyang nawala ang pag-aalinlangan ko ng maintindihan ako nito.
“Hoy Neil, tama na yan. Lasing ka na.“ Pagpigil ko sa lalaking katabi ko na walang sawang umiinom ng alak na kanyang inorder.
“Bakit hindi niya ako maintindihan? Bakit ganun na lang siyang makipaghiwalay sa akin?” Ang malungkot na sabi ni Neil na nakatingin ngayon sa basong hawak niya. Ilang saglit pa ay nilagok niya ito at naglagay muli ng alak sa kanyang baso.
“Ano ba kasi ang nangyari? May ginawa ka bang hindi niya nagustuhan?” Tanong ko dito.
Hindi naman umimik si Neil at tumungga na lang ulit ng alak.
Nang maubos ni Neil ang isang bote ng alak na kanyang ininom ay nagpakuha muli ito sa baristang nasa loob ng bar counter. Pinigilan ko ito subalit parang wala itong narinig at niyaya pa akong saluhan siya.
“Akala ko ba kaibigan mo ako? Bakit hindi mo ako sinasaluhan?” Para bang nagtatampo pang sabi nito.
Napapikit na lang ako at hindi na lang pinansin ang kanyang sinabi. Nang mangalahati ang bote ng alak ay napansin kong napayuko si Neil at hindi nga ako nagkamali ng akala ng makita kong nakatulog ito.
Dun ko na kinuha ang pagkakataon para malaman ang puno’t dulo ng hiwalayan nila ni Adriel. Kinuha ko sa bulsa ni Neil ang cellphone nito saka kinuha ang number ni Adriel. I-dinial ko ito subalit hindi ito sumasagot. Kinuha ko ang phone ko at saka ko muli ito i-dinial at matapos ang tatlong ring ay sumagot na ito.
“Hello?” Bungad sa akin ni Adriel.
“Hi! Si Adriel ba ito?” Tanong ko.
“Opo, sino po sila?” Balik tanong nito sa akin.
“This is Chino. Neil’s friend. Can you meet us?” Sabi ko dito.
Hindi agad sumagot si Adriel. Akala ko ay binabaan niya ako ng phone sa pananahimik nito, pero nang marinig kong may asong tumahol sa background ay nagsalita akong muli.
“Nasa bar kami ngayon dahil naglalasing itong si Neil. Gusto ko lang malinawan kung anong nangyari sa kaibigan ko. So if you may, will you please be here in an hour?’ May pagdedemand kong sabi dito.
“Demanding?” Sarkastikong sabi ni Adriel.
“Yes.” Maiksing tugon ko.
Tumahimik muli ito pero ilang sandali pa ay pumayag na ito. Ibinigay ko sa kanya ang pangalan at lugar ng bar kung saan kami naroroon ni Neil. Sinabi sa akin ni Adriel na hintayin siya at medyo may kalayuan ang kanyang panggagalingan. Pumayag naman ako at saka pinutol ang aming pag-uusap.
Tinignan ko si Neil na payapang natutulog sa aking tabi. Kinausap ko naman ang barista na kung maari ay huwag muna kaming paalisin dahil may hinihintay pa kami. Pumayag naman ito at inalok pa ako ng maiinom. Tumanggi ako dahil mahina ang tolerance ko sa alak, subalit nagpumilit ito at binigyan ako ng apple mojito na akin namang pinasalamatan.
Matapos ang mahigit isang oras na paghihintay ay nakita kong pumasok si Adriel sa bar. Iniwan ko sandali si Neil para salubungin si Adriel. Naisip ko na baka hindi niya kami makita dahil medyo madilim ang loob ng lugar. Nang magtagpo kami ay nagpakilala ako at dinala siya kung saan nandoon si Neil.
BINABASA MO ANG
BITTERSWEET (boyxboy) (Completed)
Storie d'amoreNasaktan ako... Ayoko na... Pero dumating siya. ==<>== Masayang kausap... Nakaka-kilig... Di mapigilan ang tuwa. ==<>==. Nabuhayan... Umibig... Ang sarap sa pakiramdam. ==<>== Subalit... May mahal na siyang iba. ==<>== Magtitiis... Magh...