Limang araw na din ang nakakalipas simula ng kausapin ako ng hambog na lalaking iyon upang tigilan ko daw ang pagsunod sa kanya sa tuwing magja-jogging kami. Aminado ako na nasaktan ako ng ikumpara niya ako sa aso. Oo at sinusundan ko siya pero hindi naman ako stalker na hanggang sa bahay nila ay hinahabol ko siya. Talagang nagkakataon lang na nagkakasabay kaming mag-jogging sa umaga.
Si @yourdreamguy naman ay tulad pa din ng dati. Ngayon ay kilala ko na siya at ang pangalan niya ay Neil. Binigay din niya ang number niya sa akin dahil madalas daw ay tinotopak ang net niya sa dorm. Dahil sa pagbigay ng niya ng kanyang cellphone number ay araw-araw na din kaming nagkaka-text at talaga namang lalong lumalim ang noo'y umuusbong ko pa lang na nararamdaman sa kanya.
Nung isang araw ay nagtext pa ito sa akin at sinabi niyang may nagugustuhan siya sa Wattpad. Ako, bilang isang mataba, maitim at pangit na asyumero ay hindi napigilan ang pag-a-assume. Paanong hindi ako mag-a-assume eh napakasweet niya pagdating sa akin. Tatanungin kung kumain na ba ako or kung may ginagawa ako. Nagsasabi din siya ng mga nangyayari sa kanya araw-araw. Maging ang nangyayari sa kanyang bestfriend ay kinukwento niya din. Para bang boyfriend niya ako na lahat na lang ng masasaya o malulungkot na nangyayari sa kanya ay kailangan niyang sabihin sa akin.
Sa pag-uusap namin na iyon ay akala ko ako ang kanyang tinutukoy, subalit...
FLASHBACK
Ako: Neil, sino yung tinutukoy mo na nagugustuhan mo? Sabihin mo na.
Text ko yan sa kanya na tila ba kinikilig pa at naghihintay na sabihing..."ikaw".
Neil: Basta malalaman mo din in time. Paano ko ba siya liligawan?
Ako: Ano ba yan? Sige na sabihin mo na. Paano manligaw? Bakit kailangan pa ba yun?
Neil: Bakit hindi ka ba nagpapaligaw? Hehehe.
Sa text niyang iyon ay napahawak ako sa dibdib ko. Yung puso ko kasi eh tila ba lumulundag at gustong makawala sa kinalalagyan nito. Para bang gusto nitong puntahan ang taong katext ko ngayon.
Ako: Nope. I don't believe in courtship. Pag may ligawan kasi, you're putting your best foot forward at para bang hindi ka nagpapakatotoo sa sarili mo. Nagpapakitang tao in short.
Reply ko sa kanya habang di mapigilan ang pagkakilig at talaga namang hinihintay ang susunod niyang message.
Neil: Hahaha. Ganun ba yun? Sige na nga. Search mo si riel_alponisio. Siya yung nagugustuhan ko. :)
Pagkabasa ko nun ay napatigil ako at hindi ko namalayan na nagtext siya ulit.
Neil: Ano nakita mo na? Hindi ka na nagreply.
Pag-check ko sa message history ay may 10 minuto na din pala ang lumipas mula nung huli niyang text. Hindi ko namalayan na lumipas ng ganun kabilis ang sampung minuto habang nakatitig ako sa huling text niya. Kahit wala sa sarili ay sinearch ko ito sa Wattpad at nakita ko kung sino siya, pero dahil sa naka-sideview ito ay di ko masyado makita ang kanyang mukha kaya naman ginamit ko ang galing ko sa pag-track ng tao sa Facebook at dun nga ay tuluyan ko ng nakita si Adriel Alponisio.
"Wala akong panama." Ang malungkot kong nasabi sa sarili ko habang tinitignan ang mga pictures niya.
Matangkad, maputi, slim at cute. Yan ang description na pwede kong maibigay kay Adriel. Bigla akong nilamon ng insecurities ko ng makita ko siya at dahil dun ay napangiti na lang ako sa pagtanggap ko ng aking pagkatalo.
BINABASA MO ANG
BITTERSWEET (boyxboy) (Completed)
RomanceNasaktan ako... Ayoko na... Pero dumating siya. ==<>== Masayang kausap... Nakaka-kilig... Di mapigilan ang tuwa. ==<>==. Nabuhayan... Umibig... Ang sarap sa pakiramdam. ==<>== Subalit... May mahal na siyang iba. ==<>== Magtitiis... Magh...
