Chapter 7

5.9K 149 26
                                    

Ako: Grabe! Kalowka talaga yung kumag na yun!

Gwendolyn: O bakit na naman? Ano na naman ginawa niya sa'yo?

Ako: Grabe yung ginawa niya kahapon! Nakakainis! Nakakabwisit! Nakakahiya! :(

Gwendolyn: Ano nga?

Ako: Paano naghihintay ako dun sa terminal ng tribike kahapon tapos huminto siya sakay ng sasakyan niya tapos niyaya niya ako na sumabay sa kanya at ihahatid na daw niya ako.

Gwendolyn: *sticker*

Ako: At kinikilig ka pa? Nakikita ko kaya yang mga sticker mo kasi naka-lappy ako.

Gwendolyn: Fine! Tapos?

Ako: Ayun! Inirapan ko siya. Eh di ba nga inis ako sa kanya. Kaya nga nung nag-jogging eh iniwan ko siya at hindi ako sumabay.

Gwendolyn: Kaloka! Baka naman may gusto siya sa'yo?

Gwendolyn: AYYIIIEEE!!!

Gwendolyn: *sticker*

Ako: Impossible yan. Straight kaya yun.

Gwendolyn: Eh ano? Malay mo nga di ba?

Gwendolyn: Eeeehhhh!!! Kenekeleg eke!

Gwendolyn: *sticker*

Ako: Grabe!!! Impossible nga na magkagusto yun sa mga katulad kong pangit! 

Ako: Isa pa, sa Wattpad lang na-iinlove ang mga "STRAIGHT AS A POLE" na yan sa mga binabae noh!

Gwendolyn: Nega lang? At saka cute ka kaya! Hihihi!

Gwendolyn: *sticker*

Ako: Kalowka! Sinasabi mo lang na cute ako kasi kaibigan mo ako. At saka di ako bagay sa kanya. Well, gwapo siya tapos ako ano? Mukhang ewan lang.

Gwendolyn: Grabe sa ka-negahan? Ewan ko sa'yo. Basta ako may nararamdaman diyan kay Mr. Kumag kahit pa naiinis din ako sa kanya at the same time. Hihihi!

Gwendolyn: *sticker*

Ako: Ewan! Basta bahala siya sa buhay niya. Deadmatology 101 talaga siya sa akin!

Yan ang naging pag-uusap namin ni Gwendolyn matapos ang nakakabwisit na nangyari kahapon dahil sa kagagawan ng kumag na iyon. Grabe! Napahiya kaya ako kahapon ng sigawan niya ako. Alam ko naman na may mali ako, pero yung pahiyain niya ako ng ganun sa madaming tao, tingin ko naman ay hindi ko deserve yun.

Kahit mainit pa din ang ulo mula kagabi ay pinilit ko na lang na iwaksi na lang muna ito dahil ayoko naman maging bad vibes buong araw. Pagkaalis ni mommy ay agad akong humarap sa laptop ko at nagsimulang magbasa. Mabuti na lamang at yung mga natitirang files ko eh sa weekend pa ang deadline kaya naman naisipan ko na lang munang magbasa dahil medyo nahuhuli na ako sa mga updates ng mga sinusundan kong author.

Nagsimula kong basahin ang update ni @tomomangserbesa na "PUCHA!". Mabuti na lamang at may update na siya. Medyo matagal din kasi mag-update si tomoma dahil busy ata siya sa school at matapos kong mabasa at i-like yun, next story naman ako.

BITTERSWEET (boyxboy) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon