Dahil sa kalituhan ng marinig ko ang pagtawag sa akin ni James ng myl ay minabuti kong i-message si Marck ng gabing iyon. Hindi kasi ako mapakali sa pag-iisip na posibleng si James at si Marck ay iisang tao lang kahit pa man na naiisip ko din na imposible ito. Para mawala ang pag-iisip na iyon ay minabuti kong makipagkita kay Marck.
Apat na araw matapos ang pangyayari sa Starbucks ay pumayag si Marck na makipagkita sa akin. Gusto ko sana na agad-agad para mawala ang iniisip ko, subalit hindi naman pwede si Marck dahil sa trabaho nito. Sinabi na lang niya na ngayong Sabado kami magkita at pumayag na din ako dahil wala din naman akong gagawin. Hati man ang pakiramdam ko dahil sa takot na madisappoint ito pagnakita ako lalo na ngayon at nahuhulog na ako kay Marck, pero mabuti na din ito para mawala na din ang agam-agam ko.
Matapos kong mag-ayos ay nilisan ko na ang aming bahay at nagtungo sa Eastwood kung saan namin napagkasunduan na magkita ni Marck. Dinner time ang aming usapan upang makapaglibot din pagkatapos dahil yun ang gusto niya. Excited na kinakabahan ang nararamdaman ko at hindi ko talaga maiwasang manalangin na sana ay matanggap ako nito at hindi gawing basehan ang panlabas kong anyo.
Hindi nagtagal ay narating ko ang Eastwood at nagtungo agad ako sa Friday's kung saan namin napagkasunduang kumain ng hapunan. Pagtingin ko sa aking relo ay pasado ala-siyete na at alam kong napaaga ako dahil seven-thirty ang aming usapan. Matapos akong samahan ng waiter sa isang bakanteng lamesa ay naupo ako at tinext ko si Marck.
Ako: Marck andito na ako sa Friday's. Asan ka na?
Matapos ang limang minuto ay saka ito sumagot.
Marck: Sorry for the late reply. Andito na din ako sa Eastwood. Magpa-park lang.
Ako: Okay.
Likas na mainit ang mga palad ko, pero nakaramdam ako ng panlalamig. Hindi ko na din mapigilan ang paglakas ng pintig ng aking puso dahil sa kaba. Napahinga na lang ako ng malalim at pinilit mag-relax.
Habang naghihintay kay Marck ay hindi ko na naman mapigilan ang mag-observe sa mga taong nandoon. Medyo madaming tao dahil payday. May mga magbabarkada at may mga magkaka-date. Sa bar section naman ng restaurant ay may iilang umiinom at hindi nakatakas sa akin ang isang lalaki na mag-isang umiinom. Sa tingin ko ay matangkad ito, maputi, cute at may pagkamestisuhin. Ramdam ko din ang pagiging malamya nito kaya napakiramdaman kong katulad ko din ito. Marahil ay hinihintay niya ang kanyang date.
"Sana naging ganyan na lang ako kagandang lalaki." Ang tahimik kong nasabi sa sarili ko. "Para hindi ako natatakot na makipagkilala sa iba." Pahabol ko pa.
Maya maya ay napatingin naman ako sa pinto at nang bumukas ito at pumasok ang isang matangkad at gwapong lalaki. Maputi, fit, chinito at ang linis tignan. Ganun na lang ang paglaki ng mata ko nang ma-realize ko na si Marck ito. Siya mismo ang nasa profile picture ng kanyang Facebook account. Bigla akong nataranta at lalo pa akong nataranta nang tumunog ang phone ko at nakita kong tumatawag siya.
Marck: I'm here na, asan ka naka-upo.
Ako: Andito ako Marck.
Itinaas ko ang kamay ko upang makita niya kung saan ako naka-upo at nang matanaw niya ako ay binaba niya ang phone at saka lumapit sa akin.
"Chino?" Pagbungad niya ng marating niya ang pwesto ko.
"Hi Marck!" Pagbati ko at binigyan ko siya ng isang pilit na ngiti.
Hindi ko kasi maiwasang kabahan ng mga oras na iyon lalo na't may nabanaag na ako sa kanyang pagtitig.
BINABASA MO ANG
BITTERSWEET (boyxboy) (Completed)
RomanceNasaktan ako... Ayoko na... Pero dumating siya. ==<>== Masayang kausap... Nakaka-kilig... Di mapigilan ang tuwa. ==<>==. Nabuhayan... Umibig... Ang sarap sa pakiramdam. ==<>== Subalit... May mahal na siyang iba. ==<>== Magtitiis... Magh...
