Chapter 2

11.5K 198 12
                                        

Tanghali na ng magising ako dahil nag-update ako ng story ko kagabi. Kahit puyat ay pinilit ko pa ding magpaka-good mood. I have this tendency kasi na pag kulang sa tulog eh nakasimbakol lang ang mukha ko.

"Nak, magluto ka na ng pancake." Ang utos sa akin ni mommy pagbukas niya ng pinto ng kwarto ko.

"Oo andiyan na." Ang pupungas pungas ko tugon.

Maya maya pa ay nagsilundagan na ang mga aso ko sa aking kama. May lima kasi akong aso. Si Volvo na isang maltese. Si Audi na isang pomeranian at ang mga anak nitong mga KPOP pups ko na sila Top, Onew at Jino na sobra lang sa ka-kyutan.  Natawa pa ako dahil panay ang semplang ng tatlong tuta dahil hindi pa sila maka-akyat sa kama ko di tulad nila Volvo at Audi kaya naman iniakyat ko sila sa aking kama at nakipag-kulitan na.

Matapos ang kulitan at picture picture ay lumabas na ako ng aming kwarto at tinungo ang aming kusina. Ang mga aso ko, ayun at nasa labas na ng bahay at hindi maawat ang kaharutan. Kinuha ko ang box ng pancakes at mga additional ingredients since hindi ako mahilig sa easy-to-do pancakes at sinimulan na ang pagtitimpla ng aking paboritong breakfast sa umaga. Nang matapos ako ay nag-agahan na kami ni mommy kasabay ang aming mga aso na busy din sa pag-nguya ng kanilang pellets.  

Nang matapos kaming kumain ni mom ay iniligpit ko na ang aming pinagkainan at hinugasan ang mga ito. Nag-yosi din ako matapos nun at nagtungo muli sa aking kwarto upang gumawa ng konting files para hindi ako matambakan. Ang totoo niyan ay excited din ako dahil ngayon ay December 14 at ngayon ang pagkikita-kita namin ng mga watty friends kong sila @GTOP4evr, @iLovetortangtalong at ang pinakamamahal kong si @tapsilogaddict. Kaming apat lang ang magkikita-kita dahil si @R14tetotz ay nasa ibang bansa at si @MaharotAkoDiLangHalata eh nakatira naman outside Metro Manila.

"Grabe! excited na talaga ako makita si @tapsilogaddict sa personal." Ang tanging nasabi ko sa aking sarili.

Hindi naman kasi kaila sa aming lahat na may gusto ako kay @tapsilogaddict. Unfortunately eh hindi niya ako gusto. Sabi niya kasi na in-love pa din siya sa hot crush niya nung 2nd year high school. 

Nang sumapit ang alas onse ay naghanda na ako at tinungo ang aming banyo dala-dala ang aking cellphone. Gusto ko kasi ng nakikinig ako ng music sa loob ng banyo dahilan na din kaya ako nagtatagal. Buti na lamang at wala kaming bathtub dahil kung mayroon ay siguradong ipapaalis yun ng aking ina. Habang naliligo ako at nagtu-twerking sa saliw ng We Can't Stop ni Miley Cyrus eh biglang nag-vibrate ang cellphone ko at nakita kong may message sa FB.

Rin: Grabe naman yung nagcomment sa story ko! Eh wala namang connect yung comment niya sa ginawa ko!

Gwendolyn: Teka nga at matignan

Rin: Geh

Gwendolyn: Ano bang kinalaman ng rabbit sa story mo? Di ko ma-gets yung comment niya. Adik yata yun.

Rin: Sinabi mo pa! Nakaka-inis kaya! Siya kaya ang sumulat para malaman niya kung gaano kahirap gumawa ng storya.

Ako: Hello! Naliligo ako. Hayaan mo na lang yun Rin. Malay mo may nabasa siya tungkol dun sa story nung rabbit na may connect sa latest chap ng story mo.

Rin: Ewan ko sa kanya! Basta kahit follower ko siya eh nakaka-inis lang na magko-comment siya na malayo naman sa storya.

Ako: Follower mo? Sino?

BITTERSWEET (boyxboy) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon