"Nak gising na. Kailangan maaga ka kina tita mo at tutulungan mo siya na maghanda." Pag-gising sa akin ni mommy.
"Andyan na." Inaantok kong sabi.
Hindi muna ako nag-jogging ngayong araw dahil pasado alas-dose na din kami natapos ni Kuya Jake sa paglilinis at pag-aayos. Dumating kasi kagabi yung mga ni-rent na tables and chairs at pati yun ay inayos na namin.
Pagkabangon ko ay nagsipilyo muna ako ng ngipin at saka nag-hilamos. Hindi muna ako naligo dahil alam kong papawisan ako dahil tutulong pa ako sa pagluluto at sa paghanda ng mga pagkain. Paglabas ko ng banyo ay nagtungo ako sa kwarto ni mommy para i-check kung ready na siya. Kuniha kasi siyang ninang sa kasal kaya naman gusto ko masigurado kung tama lang ang isusuot niya since sa RTC lang naman ang kasal. May tendency kasi ang mom ko na mag-overdress sa mga ganitong pagtitipon kaya naman minabuti ko ng i-check muna.
"Nak, anong bag ang mas okay?" Tanong sa akin ni mom habang pinapakita niya ang mga bag at purse na posible niyang gamitin.
"Yung small classic flap na itim." Sabi ko sa kanya at saka umupo sa kama ni mommy.
"Ay oo nga pala, hindi ko pa to nagagamit." Sabi ni mom.
Pinagmasdan ko lang siya habang nagme-make up at tinulungan ko din siyang isuot yung mga accessories niya. Ako na din ang pumili nun para umakma sa dress niya at maging sa klase ng bag na gamit niya. Nang matapos siya ay bumaba na kami at naghintay sa pagsundo ni Tito Leo na daddy ni Kuya Jake. Sa kanya kasi siya sasabay papuntang RTC.
Nang masundo na si mom ay gumayak na ako papunta sa bahay ng tita ko. Tulad ng inaasahan ay dumating ako dun na abala na siya kaya naman hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at kumilos na din ako. Agad akong pumunta sa kusina upang tumulong mag-luto. Hiwa dito, hiwa doon, mabuti na lamang at may mga taga-hugas. Makalipas ang mahigit isang oras ay natapos na namin ang mga dapat gawin. Nagpasya muna akong umuwi sa amin upang maligo at mag-ayos.
"I came in like a wrecking ball"
"I never hit so hard in love"
"All I wanted was to break your wall"
"All you ever did was"
"Wre-e-eck me"
Pagkanta ko habang naliligo nang biglang nagvibrate ang cellphone ko.
Neil: Hi Chino! Ano gawa mo?
Tulad ng dati ay nagreply agad ako. Hindi ko talaga matiis si Neil kahit na ba nasasaktan ako.
Ako: Hi Neil! Eto naliligo. Kasal kasi ngayon ng pinsan ko.
Natapos na akong maligo at nakapag-bihis na pero hindi na ulit siya nagreply. Isa lang ang naisip ko sa mga oras na iyon at yun ay baka kausap na naman niya si Adriel. Alam kong para na akong tanga, pero lahat titiisin ko para kay Neil...mahal ko kasi.
Pasado alas-dose na nang umalis ako sa aming bahay at nagsimula ng maglakad papunta sa bahay ng tita ko. Pakanta-kanta pa ako sa daan dahil nakikinig ako ng music habang naglalakad. Di ko tuloy alintana na medyo malayo din ang nilakad ko at ang init kahit pa nakapayong ako. Dumating ako sa bahay ng tita ko at naabutan ko ng nagkakainan sila kasama ang mga bisita. Matapos kong magmano sa mga tito at tita ko ay kumuha na ako ng pagkain ko at saka pumunta sa table ng mga pinsan ko para maki-join, subalit hindi pa man ako nakakarating dun ay may humawak sa braso ko dahilan para muntik ko ng mabitawan yung pinggan na tangan ko.
"Puki mo brown!" Yan ang bulalas ko sa taong biglang humablot sa akin.
"Taba! Samahan mo naman ako. Wala akong kasama sa table." Sabi ni James ng naka-ngiti pa.
BINABASA MO ANG
BITTERSWEET (boyxboy) (Completed)
RomanceNasaktan ako... Ayoko na... Pero dumating siya. ==<>== Masayang kausap... Nakaka-kilig... Di mapigilan ang tuwa. ==<>==. Nabuhayan... Umibig... Ang sarap sa pakiramdam. ==<>== Subalit... May mahal na siyang iba. ==<>== Magtitiis... Magh...