Chapter 12

4.8K 136 26
                                    

"Nakakahiya ka talaga!"

"Ano na lang ang mukhang maihaharap mo sa kanya?"

"Pinapansin ka na nga kahit di kagandahan ang anyo mo tapos yun pa ang igaganti mo?"

"Nakakahiya ka talaga!"

Yan ang sinasabi ng konsenysa ko sa akin matapos ang talaga namang nakakahiyang tagpo kagabi sa Sbarro. Nang dumating yung dalagang estudyante ay talaga namang nag-iba ang mood ko. Selos, pagka-irita. Yun marahil ang naramdaman ko ng yayain pa ni James ang babaeng yun. Dahil na din sa pagka-irita ko ay may mga nasabi ako na hindi ko na dapat pang sinabi...

FLASHBACK

"Ang aga mo ata ngayon, babe?" Tanong ni James at narinig ko pa kung paano nito landiin yung babae.

"Eh kasi po maaga kaming pinauwi." Sabi nung babae sabay brush-up sa buhok ni James.

Sa mga oras na iyon ay nanumbalik ang pagkainis ko kay James. Kahit na hindi ko sila katabi ay rinig na rinig ko ang paglalandian ng dalawa. Malapit lang kasi ang lamesa na napili ko sa counter kaya naman hindi maikakaila ang paglalandian ng dalawa. 

Hindi pa dun natapos ang lahat at nakita kong nagturo pa ng order yung babaeng malandi na hindi man lang nagpapigil ng hawakan siya ni James sa bewang.

"Ang temper, Chino. Ang temper." Pagpipigil ko sa sarili ko.

Oo at nakakaramdam ako ng selos. Bakit naman hindi eh moment na namin tong dalawa ni James tapos may biglang susulpot na daig pa ata ang higad sa pagkakati.

Nang matapos silang umorder ay nagtungo na sila sa pwesto namin. Hindi man lang talaga nahiya ang babae na makisalo sa amin. Kahit anong pilit ko ay hindi ko maibaba ang isang kilay ko na napansin naman ni James.

"O bakit naman nakataas yang kilay mo? Pakibaba nga." Sabi nito sa akin.

"Baka nagseselos itong kasama mo, BABE." Sabi nung babae dahilan para bigyan ko siya ng tiger look.

"Hoy Chino! Yang mata mo, baka gusto mong dukutin ko." Malumanay pero seryosong sabi ni James.

Sa inis ko ay nagdesisyon na lang ako umuwi, subalit ng papatayo pa lang ako ay hinawakan na nung babae ang kamay ko at pinigilan ako.

"Sandali lang. Nagseselos ka ba sa akin?" Tanong nung babae.

"Hindi! Kasi hindi naman kami mag-boyfriend niyang BABE MO!" Inis na singhal ko sa malanding babae at kasunod nun ay ang pag-alis ng kamay ko sa pagkakahawak nito.

"Taba! Maupo ka nga." Pag-utos ni James.

"Paano kung ayaw ko?" Tanong ko.

"Huwag mo akong hintayin na tumayo dito dahil sinisigurado kong ikaw lang ang mapapahiya sa ating tatlo." Seryosong tugon nito.

Ewan ko pero bigla akong natakot sa tingin niyang iyon. Naalala ko tuloy si Ralph na ganung ganun pag galit. Dahil ayaw ko mapahiya muli ay umupo na lang ako at naghintay ng sasabihin nila.

"Kuya! Wag ka ngang harsh." Sabi nung babae na ikinagulat ko.

"Paanong hindi ako magiging harsh eh kung makaasta tong matabang to eh akala mo syota niya ako!" Inis na sabi ni James.

Gulat man ako sa sinabi ni James eh mas nagulat ako sa sinabi nung babaeng kasama namin sa hapag.

"Kuya?" Tanong ko sa kanilang dalawa.

BITTERSWEET (boyxboy) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon