NOTE:
Dapat bukas ko pa to gagawin kaso since malungkot ako ngayong araw dahil may nangyari ay minabuti ko na lang mag-draft dahil hindi ako makatulog at habang tahimik na din at tanging ilaw lang ng laptop ko at mga glow in the dark stickers ko ang nagbibigay liwanag sa kwarto ko.Wala munang dedication sa chapter na ito dahil as much as possible ay ayokong magdedicate ng malungkot na chapter sa mga readers ko.
Ayun lang...thank you for reading.
===============================
Isang linggo na din ang nakalipas matapos ang pagpunta ko sa bahay ni James kung saan ay hindi man lamang ako pinapasok o kinausap man lang. Isang linggo na din akong nagja-jogging mag-isa sa umaga dahil hindi ko na nakita ni anino man ni James. Isang linggo na akong nag-iisip ng kung ano ba ang pwede kong gawin upang mapa-amo muli si James at hindi na ito magalit.
Kahit pa mabigat ang aking pakiramdam ay minabuti ko pa ding bumagot upang mag-jogging sa umaga. Kailangan kong gawin to para sa sarili ko at para maging healthy ako. Hindi na ako bumabata kaya kailangan ko din pangalagaan ang aking katawan at sarili para sa hinaharap.
Lumabas ako ng bahay na may pag-asa na makikita ko si James ngayon. Matapos ang isang linggo na hindi kami nagkita o nagka-usap man lang ay hindi ko maikakaila na hinahanap-hanap ko siya. Sa sobrang pagka-miss ko sa kanya ay maging si Neil ay hindi ko na naisip kahit pa hindi din ako nito na masyadong tinetext.
Sinimulan ko ng tumakbo at hindi ko namalayan ang mabilis na lumipas na isang oras. Kasalukuyan kong binabaybay ang main road ng aming village ng bigla kong nakita si James na parang may binibili sa tindahan. Kahit pagod na pagod na ako ay biglang naglaho iyon ng makita ko si James. Lalapitan ko na sana ito ng may bigla niyang lapitan ang isang babae na naka-upo sa bangketa at inabutan niya ito ng isang bote ng Gatorade. Nakita ko kung paano ngumiti yung babae at maging si James at hindi ko alam pero parang matagal na silang magkakilala at kung hindi mo sila kilala ay mapapagkamalan mo silang magkasintahan.
Napako ako sa kinatatayuan ko at tanging habol tingin lang ang nagawa ko habang nagjogging na muli si James at yung babae papalayo sa akin. Dahil sa aking nakita ay nawalan na talaga ako ng gana at minabuti ko na lang umuwi. Pagkadating ko sa bahay ay agad akong dumeretso sa aking kwarto at saka humiga sa aking kama kahit pa basa pa ako ng pawis. Wala pa ata akong isang minutong nakahiga ng marinig ko ang malakas na katok sa pinto ko ni mommy dahilan para pagbuksan ko ito at tanungin...
"Bakit mom?" Tanong ko pero hindi ako nito pinansin at pumasok dirediretso sa kwarto ko sabay punta sa kama at inamoy ito.
"Sinasabi ko na nga ba! Maligo ka nga muna bago ka humiga! Babaho ang kutson!" Pagtalak ng mommy ko.
Hindi ko na lang iyon pinansin dahil wala ako sa mood na makipagtagisan ng rason sa mommy ko sa umagang iyon kaya naman minabuti ko na lang pumasok sa banyo at maligo. Kahit masama ang ginawa kong pagligo dahil hindi pa sapat ang pahinga ko ay binalewala ko lang iyon dahil mas nangingibabaw pa din ang kalungkutan ko matapos ang mga nakita ko.
---------------------------------------------
Kasalukyan akong nakasubsob sa aking laptop at tinatapos ang mga files na kailangan kong tapusin. Dito ko na lang binuhos ang oras ko dahil sa busy din ang mga watty friends ko sa kani-kanilang trabaho kaya wala din akong maka-usap tungkol sa nangyari sa akin.
"Good afternoon Chino! Kumain ka na ng tanghalian?" Ang bigla biglang text ni Neil.
Bigla na namang lumundag ang puso ko matapos kong mabasa iyon. Ewan ko ba at kahit anong gawin ko ay hindi mapakali ang puso ko sa pagtalon sa tuwing itetext ako ni Neil.
BINABASA MO ANG
BITTERSWEET (boyxboy) (Completed)
Roman d'amourNasaktan ako... Ayoko na... Pero dumating siya. ==<>== Masayang kausap... Nakaka-kilig... Di mapigilan ang tuwa. ==<>==. Nabuhayan... Umibig... Ang sarap sa pakiramdam. ==<>== Subalit... May mahal na siyang iba. ==<>== Magtitiis... Magh...