Chapter 22

4.6K 125 24
                                    

NOTE:

Pasensya na kung natagalan ang pag-update ko. Maliban kasi sa pag-iisip para sa mga stories ko na Soundtrack at new series ng Faces of Love eh busy ako sa pag-aasikaso ko ng mga requirements for my new work. Yes guys, I have a new work. Nakakasawa na kasi na sa bahay lang nagtatrabaho. Nakakabaliw masyado. :)

This chapter is dedicated to @zildjian11. Ang isa sa mga the best tagalog bxb author for me at inspirasyon ko para magsimulang magsulat. 

So here's chapter 22. Thank you for reading and enjoy! :)

===================================

Hindi ko na alam ang gagawin ko matapos ang isa na namang rejection. Parang lahat na lang ata ng lalaking magustuhan ko ay hindi kayang ibalik ang pagtangi naibibigay ko sa kanila. Si Marck ay inakala ko na totoo siya at hindi mahalaga ang panlabas na anyo, pero muli ay nagkamali na naman ako. Ang masakit nun ay umasa ako dahil sa mga paglalambing at pakikitungo nito sa akin nung nagpapalitan kami ng mga mensahe kaso biglang nagbago yun nang magkita kami ng personal.

Ito ang dahilan kung bakit ayaw kong makipagkita sa mga nakikilala ko maliban na lamang kung pagkakaibigan ang gusto nila. Ayaw ko kasi makita ang mga disappointment sa kanilang mga mata dahil hindi ako tulad ng inaasahan nila. Sa sobrang sakit ng mga rejection ay lalong bumababa ang tingin ko sa aking sarili.

Naramdaman ko na lang ang malamig na hagin na dumampi sa aking mukha. Nakatulog ako marahil sa pagod na aking nararamdaman matapos ang nangyari sa amin ni Marck. Mas mahirap talaga pag emosyon ang kumikilos dahil ang lakas nitong maka-ubos ng lakas. Pagmulat ko ng aking mga mata ay nakita ko ang isang pamilyar na view at nang malinaw ko na nga itong nakita ay hindi ako nagkamali kung nasaan kami ngayon ni James.

"Gising ka na pala. Akala ko eh tutulugan mo lang ako." Nakangiting bati nito sa akin.

Iba talaga ang kagwapuhan ni James. Hindi ko alam kung bakit ako nahalina dito gayong hindi naman ito maputi. Pinoy na pinoy ang kulay ni James at hindi naman ito ganun ka-chinito, pero hindi talaga maitatanggi na napagandang lalaki ng tao na aking nasisilayan ngayon.

"Sorry. Napagod lang ako." Pagpaumanhin ko dito.

"Ano ba ang nangyari? Nung nakita kitang lumabas ng Friday's ay napansin kong may hindi tama kaya sinadya kitang banggain." Sabi nito habang nagbubukas ng beer in can.

Hindi ko muna siya sinagot, bagkus ay kumuha din ako ng beer at matapos ko yung buksan ay nilagok ko ito.

"Ang pangit talaga ng lasa ng beer. Mabuti na lang at malamig ito." Ang natatawa kong sabi.

"Hindi ka sanay no?" Tanong sa akin ni James.

"Umiinom naman ako noon. Natigil lang yun nung..." Ang hindi ko na nasabi kay James.

Naalala ko na naman si Ralph. Nung college ako ay malakas akong uminom at alam yan ng mga kabarkada ko. Nang minsang pinasundo ako ng mga kabarkada ko kay Ralph dahil sa sobrang kalasingan ay pinagalitan ako nito kinabukasan dahil ayaw niya na umiinom ako. Di pa din naman ako natigil matapos nun, pero nang mawala si Ralph ay nagpasya na akong hindi na uminom muli.

"Nung?" Tanong ni James.

"Ah...wala. Kalimutan mo na yun." Sabi ko at binigyan siya ng isang pilit na ngiti.

"So, ano ang nangyari kanina at para kang nawala sa sarili mo?" Pag-uusisa muli nito.

Huminga ako ng malalim at matapos nun ay sinimulan ko na ang paglalahad kay James. Mula simula ng pagkakakilala namin ni Marck hanggang ang nangyari sa amin sa Friday's kanina. Matamang nakikinig lang si James sa akin habang nagsasalita ako. Hindi ko din napigilan ang pamumuo ng mga luha ko matapos maalala ang isa na namang kabiguan. Nang matapos ako ay tumingin ako kay James at nakita kong titig na titig lang ito sa akin. Nginitian ko siya subalit pinagtaksilan ako ng isang luhang kumawala mula sa aking kaliwang mata.

BITTERSWEET (boyxboy) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon