Mahigit sampung taon na ang nakakalipas simula ng pumanaw si Arden, ang kaisa isang taong lubos kong minahal. Kasabay nun ay ang pagsara din ng aking puso sa kung sino man ang nagtatangkang magbukas nito. Sinubukan ko itong buksan muli makalipas ang ilang taon, subalit walang sino man ang naging matagumpay na makapasok dito.
Alam kong napaglipasan na ako ng panahon at nakuntento na lang sa pagiging ama sa nag-iisa kong anak na si Eve, pero hindi ko inaasahan na muling titibok ang puso ko na matagal nang nahimlay sa pananahimik nang dahil sa isang taong aking nasilayan.
Masayahin, mabait at tahimik. Subalit sa palangiti niyang mukha ay hindi maikukubli ang kalungkutan sa kanyang mga mata. Minsan ko ng nakitang ngimiti ang kanyang mga mata, subalit panandalian lamang ito at tuluyan din siyang nawala.
Sa muli naming pagkikita ay hindi ko maiwasang manibago. Andun pa din ang masayahin, mabait at tahimik na katauhan, pero ang mga mata ay tila ba tinakasan na ng emosyon marahil ay dahil sa sakit at pait na naranasan nito.
Sa pagkakataong ito ay hindi na ako magtatago. Hindi na uulitin ang pagkakamaling ginawa ko sampung taon na ang nakakaraan. Hahayaan na ang sarili na malayang umibig at hindi na magkukubli sa anumang takot ng riyalidad.
Ako si Matthew Rosales o mas kilala bilang Matt. Samahan niyo ako sa aking pakikibaka upang makuha ang puso ng taong ni sa hinagap ay hindi ko akalaing matatagpuan ko pa...
"..."
"..."
"..."
"si Chino Ivara."
BINABASA MO ANG
BITTERSWEET (boyxboy) (Completed)
Roman d'amourNasaktan ako... Ayoko na... Pero dumating siya. ==<>== Masayang kausap... Nakaka-kilig... Di mapigilan ang tuwa. ==<>==. Nabuhayan... Umibig... Ang sarap sa pakiramdam. ==<>== Subalit... May mahal na siyang iba. ==<>== Magtitiis... Magh...
