Chapter 23

4.7K 124 12
                                        

NOTE:

Hello! Medyo napapadalas ang pag-nonote ko kasi naman tumatagal na din ang pag-a-update ko. Sensya na po at busy lang sa new work. Naalimpungatan lang ako ngayon at hindi na makatulog kaya nag-update.

Muli ay salamat ng marami sa patuloy na pagtangkilik kahit medyo matagal ang update.

Ito na po ang Chapter 23...ENJOY! :)

==================================================

"Good morning baby!" Ang pagbati ng taong kausap ko sa cellphone.

"G-good morning...hon?" Ang di sanay kong pagbati.

"O bakit patanong ang pagbati mo?" Tanong niya.

"Ah...eh...nahihiya ako eh." Ang hihiya kong tugon na siya naman niyang ikinatawa.

"Ngayon ka pa ba mahihiya matapos ang ginawa mo sa akin kagabi?" Tanong niya na may bakas ng kapilyuhan sa boses niya.

"Kasi naman eh!" Ang parang bata kong tugon na siya naman niyang ikinatawa.

Sino ba naman kasi ang hindi mahihiya o maninibago? Matapos magtapat si James kagabi ay naramdaman ko na lang na naglapat ulit ang aming mga labi. Natulala man ako nung una ay hindi din ako nagpatalo sa kanyang maalab na halik. Hindi ko alam kung gaano iyon katagal basta ang alam ko ay nung naghiwalay kami ay kapwa kami hinihingal.

"Kailan ko kaya matitikman ulit ang lips ng baby ko?" May kapilyuhan niyang tanong.

"Pwede ba itigil mo yan?" Ang kinikilig kong pag-saway sa kanya.

"Uyy, kinikilig siya." Panunukso niya sa akin.

"Sira!" Ang sabi ko na hindi talaga napigilan ang pagka-kilig.

Ewan ko ba, pero iba ang pakiramdam ko ngayong araw. Para bang ang gaan ng feeling at ang sarap. Marahil ay dahil pakiramdam ko ay nasa cloud 9 pa din ako at hindi pa din ako makapaniwala na kami na ni James.

Mabilis man ang mga pangyayari, pero hindi kasi ako naniniwala sa courtship. Para sa akin, pag pareho niyong mahal ang isa't isa, bakit hindi niyo pa sunggaban ang pagkakataon. May paniniwala kasi ako na pag nagligawan pa ay you're putting your best foot forward o sa madaling salita ay hindi ka nagpapakatotoo dahil kailangan mong magpa-impress sa nililigawan mo.

"Paano baby, I'll pick you up later? Let's have dinner. Our first date as a couple." Sabi nito sa akin.

"Uhm...sige. I'll just wait for you, okay?" Tugon ko naman.

"I love you, baby."

"I love you too."

"I love you more."

"Kulit!"

At natawa na lang kaming dalawa. Matapos nun ay nagpaalam na si James dahil sasamahan niya ang mama niya na mag-grocery. Ako man ay may gagawin din dahil nagpapasama naman si mommy bumili ng damit para sa get together nilang magbabarkada.

Hindi maalis sa akin ang mapangiti. Ang akala kong wala ng pag-asang lovelife ko ay muli nabuhay dahil kay James. Oo at may takot pa din akong nararadaman lalo na't baguhan si James pagdating sa relasyon na mayroon kami, subalit mas nangingibabaw sa akin ang kasiyahan dahil may isang tao pa din pala na kaya akong mahalin.

------------------------------------------------------

Mabilis na lumipas ang isang linggo at lalo pang lumalim ang pagmamahalan namin ni James. Andyan yung halos oras oras niyang pagtitext upang tanungin kung kamusta ako. Dumadaan din si James sa bahay araw-araw sa pag-uwi nito mula sa kanyang trabaho kaya naman nakilala na siya ng mommy ko. Natawa pa ako nang kinausap siya ng masinsinan ni mommy na tila ba isa akong dalaga na kailangan ingatan. Alam kong hindi pa gaanong gusto ni mommy si James dahil daw sa gwapo ito at baka paiyakin lang ako. Pero kahit na bago pa lang kami ni James ay pinapakita naman niya kay mommy kung gaano siya kaseryoso sa akin na akin namang ikinakatuwa.

BITTERSWEET (boyxboy) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon