Chapter 3

8K 159 18
                                    

Ako: Ayoko na talaga. Suko na talaga ako! :'(

Rin: Ano na naman ang dinadrama mo?

Gwendolyn: *sticker*

Ako: Ayoko na sa love! Isasara ko na ang puso ko! Hindi ko na muna siya papansinin at mananahimik na muna ako. :'(

Rin: Huh? Bakit? Sino?

Gwendolyn: *sticker*

Ako: Si Jackson. Ayoko na talaga. Mag-momove on muna ako sa kanya. Hindi ko na muna siya papansinin. Pag andyan siya sa chatroom, aalis muna ako. Basta ayoko na muna siyang kausapin hangga't di ako nakaka-move on.

Rin: Sus! Yun lang pala. Akala ko naman kung ano na.

Gwendolyn: *sticker*

Ako: Grabe! Ang sakit kaya na hindi ka niya pinapansin. Binati ko siya nung Christmas, pero ni ha ni ho wala man lang akong na-receive. Alam ko naman na ayaw niya sa akin pero bakit kailangan hindi niya ako pansinin?

Rin: Ewan ko.

Gwendolyn: *sticker*

Ako: Grabe!

Rin: Bakit na naman?

Gwendolyn: *sticker*

Ako: Eh paano ba naman nagdadrama ako tapos ewan lang ang isasagot mo. Tapos si Gwendolyn puro stickers eh hindi ko naman nakikita yang sticker na yan kasi nga pang-poor ang cellphone ko. :'(

Rin: Eh ganun kasi talaga. Pag ayaw, huwag mo ng ipilit ang sarili mo. Isa pa, sa akin lang si cutie baby ko kaya hindi ka talaga niya magugustuhan.

Gwendolyn: *sticker*

Ako: Ganun? Naku bahala na siya sa buhay niya. Basta ako, hindi ko na muna siya papansinin hanggang hindi ako nakaka-move on. Hay buhay nga naman ng mga pangit, palaging rejected. :'(

Rin: Hayaan mo na lang kasi. Isa pa sinong pangit? Ikaw? Cute ka kaya. :)

Gwendolyn: *sticker*

Ako: Pwede? Tigilan na yang sticker na yan! Hindi ko naman nakikita yan eh.

Gwendolyn: *sticker*

Ako: Hindi ako cute! Pangit ako. Kaya nga naging si @mystique_poser ako di ba? Nakakatakot naman kasi yung mukha ko. May itsura naman ang tatay ko. Maganda naman ang nanay ko. Bakit ako pangit? Mataba, maitim at pangit. :(

Rin: Ang kulit naman nito. Hindi ka nga pangit! Cute ka nga.

Gwendolyn: *sticker*

Ako: Sinasabi niyo lang yan kasi kaibigan ko kayo. Maniniwala ako sa sinasabi niyo pag may sampung tao na nagsabi sa akin na cute ako kasi kahit bestfriend ko sinasabing hindi ako cute. Syempre naniniwala ako dun kasi bestfriend ko yun. :(

Rin: Beauty is in the eye of the beholder.

Ako: Hindi ako naniniwala diyan. Pag maganda ka, maganda ka! Pag pangit ka, pangit ka! Period!

BITTERSWEET (boyxboy) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon