Chapter 6

5.6K 142 9
                                    

NOTE:

This chapter is dedicated to my baby brother UTOY dahil...alam mo na yun UTOY! :)

======================================

"The show must go on."

"The show must go on."

"Inside my heart is breaking."

"My make up maybe flaking."

"But my smile still stays on."

Napabalikwas ako sa kama at napabangon agad agad ng marinig kong bumibirit na naman si Celine Dion. Tanda kasi ito na kailangan ko ng bumangon upang mag-jogging. Four pa lang ng umaga at hindi naman ito ang usual na gising ko. Dapat ay mga 5 AM pa ako gigising pero dahil na din sa pag-iwas na gagawin ko sa kumag na yun ay napilitan akong mag-jogging ng mas maaga.

Tinungo ko ang banyo upang mag-sipilyo ng ngipin at maghilamos. Pagkatapos nun ay nagpalit na ako ng pang-jogging ko, sinuot ang running shoes, jacket at kinuha ang lalagyan ko ng tubig at saka lumarga.

"P*tanginang sh*t! Ang lamig talaga!" 

Yan ang nasabi ko pagkalabas ko ng pinto ng aming bahay. Dahil na din siguro sa epekto ng global warming kaya ganito na lang kalamig ang bawat umaga ng Enero. Okay lang naman ito kung tutuusin dahil malakas naman ang resistance ko sa lamig kaso iba lang talaga ang lamig ngayon dahil para itong Datu Puti, nanunuot sa laman hanggang buto.

Lingon dito, lingon doon. Yan ang ginawa ko at nang masigurado kong wala si kumag ay lumarga na ako. Kahit ba kinilig ako ng sabihan niya ako kahapon na sabay kaming mag-jogging ay di pa din maalis yung inis ko sa kanya dahil kinumpara niya ako sa aso kaya naman bahala siya sa buhay niya at mag-jogging siya mag-isa.

Matapos ang dalawang oras ay bumalik na ako sa aming bahay at tulad ng naka-gawian ay may dala dala akong pandesal. Sinilip ko muna mula sa kanto kung nandun ang kumag at nang hindi ko nakita maski anino niya ay nagtuloy-tuloy na akong pumasok sa aming bahay.

"Sabi na nga ba at pinagtitripan lang ako ng kumag na yun." Ang nasabi ko sa sarili ko ng hindi ko nakita ang anino niya.

Alam ko naman na kasalanan ko, pero kung talagang seryoso siya ay dapat madadatnan ko siya sa bahay na naghihintay man lang sa aking pagbabalik. Kaso wala siya.

"Anak, ang aga mo atang nag-jogging?" Tanong sa akin ni mommy.

"Oo eh. Napaaga ang gising ko kaya naman nag-jogging na agad ako." Pagsisinungaling ko.

"Ganun ba? May naghintay kasi sa'yo kanina sa harap ng gate. Pinapapasok ko nga kaso nung sinabi kong wala ka na sa kama mo eh nagpaalam din." Sabi ni mommy.

"Naghintay? Sino?" Maang-maangan ko kahit alam ko na kung sino iyon.

"Yung gwapong binata na nagpunta dito kagabi." Naka-ngiting sabi ni mommy. 

Hindi ko naman talaga maikakaila na gwapo nga yung kumag na hambog na iyon ang kaso nga lang ay nababawasan ang kagwapuhan niya dahil sa kayabangan niya. Pero magkaganunman ay napangiti ako ng malaman kong tinotoo niya ang kanyang sinabi sa akin kagabi.

Tulad ng dati ay maagang pumasok si mommy sa opisina. Ako naman ay nakaharap na sa laptop ko para sa aking trabaho. Andiyan din yung paminsan-minsan kong pag-dalaw sa Wattpad para sa mga notifications at messages. Hindi din syempre mawawala ang pakikipag-chat ko sa mga watty friends ko. Umaalis lang ako pag nag-online si Jackson, pero since nakaka-move on na ako sa kanya ay malapit-lapit ko na din itong pansinin.

BITTERSWEET (boyxboy) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon