Dalawang araw matapos ang pagpapalitan namin ni Marck ng mga mensahe ay nanatili pa din akong tikom sa gusto niyang mangyari na makita ako sa video chat o kahit sa aking Facebook account. Baliw man kung iisipin ay parang nahuhulog na agad ako kay Marck dahil sa mga sweet messages nito maging sa ganda ng daloy ng aming pag-uusap tungkol sa buhay buhay. Natatakot ako na kapag nakita niya ang itsura ko ay madisappoint na naman ito tulad ng iba at lumayo sa akin.
"Hoy! Tulala ka na naman diyan." Biglang pagtawag ng pansin sa akin ni Joan.
Kasalukuyan akong nasa Starbucks kung saan napili ko lang tumambay at umisip ng plot para sa bago kong storya.
"Huh? Ano yun?" Gulat kong tugon.
"Sabi na nga ba at tulala ka na naman. Ano bang iniisip mo?" Tanong muli nito.
"Ah...wala. Nag-iisip lang ako ng bagong story." Sabi ko sa kanya at saka ibinaling ang aking paningin sa aking laptop.
"Story? Para saan? At bakit dito ka nag-iisip ng story? May makukuha ka ba dito?" Sunod sunod na tanong ni Joan.
"Wala. Basta story na gusto ko isulat. Ano bang masama kung dito ako mag-isip ng story sa isang coffee shop? Alam mo ba na si J.K. Rowling eh naisip at naisulat niya ang unang libro ng Harry Potter sa isang coffee shop?" Sabi ko kay Joan at binigyan pa ito ng trivia.
"So balak mong magsulat tungkol sa mga witchcraft and wizardry? Ikaw na talaga, Chino! You already!" Natatawang sabi nito.
"Ewan ko sa'yo!" May inis kong tugon ng makita kong may bago akong message sa inbox ko.
Marck: Hi Chino! Kumusta? Ano gawa mo?"
Napangiti naman agad ako matapos kong mabasa yun. Para akong kinilig bigla at hindi yun nakatakas kay Joan.
"Naku! Alam ko yang ngiting yan. Hindi nadadala?" Natatawang sabi ni Joan.
Tinaasan ko ng kilay si Joan tanda ng pagpapakita na medyo nairita ako sa huli niyang sinabi. Oo tama naman siya na dapat na akong madala, pero naniniwala ako na hindi ka dapat madala pagdating sa pag-ibig. Dapat laging bukas ang puso sa mga gustong pumasok. Malay natin na si "The One" na ang sumunod na pumasok dito.
"Hay naku! O siya, magpakaligaya ka diyan. Sana lang totoo na yan." Sabi ni Joan at iniwan na ako.
Kahit parang kinilig ako ay bigla ko din naisip ang sinabi ni Joan. Alam kong gusto din ako sumaya nitong kaibigan ko kaya di ko tuloy maiwasang di isipin kung totoo nga si Marck sa nararamdaman niya para sa akin.
Ako: Hello Marck! I'm good. Ito at nag-iisip ng story.
Marck: I see. Sigurado akong maganda na naman yang story mo. Nasaan ka ngayon?
Ako: Hahaha! Salamat. Andito ako sa coffee shop. Naghahanap ng inspirasyon para sa story ko.
Marck: Inspirasyon? Ako ba hindi pa sapat na inspirasyon?
Ako: Hahaha! Naku, di yun ang ibig kong sabihin. Ang inspirasyon na tinutukoy ko ay kung may makita akong lovebirds at maisipan kong magawan sila ng story. Natutuwa kasi ako pag may nakikita akong gay lovebirds.
Marck: Bakit di na lang ako ang gawin mong inspirasyon. Isang reader na nahumaling at umiibig sa isang author sa Watty?
Bigla na namang nag-rigudon ang dibdib ko sa minessage niyang iyon. Para bang pinana ni kupido ang puso ko nang maka-ilang beses para maramdaman ang kung ano man ang nararamdaman ko ngayon.
BINABASA MO ANG
BITTERSWEET (boyxboy) (Completed)
RomanceNasaktan ako... Ayoko na... Pero dumating siya. ==<>== Masayang kausap... Nakaka-kilig... Di mapigilan ang tuwa. ==<>==. Nabuhayan... Umibig... Ang sarap sa pakiramdam. ==<>== Subalit... May mahal na siyang iba. ==<>== Magtitiis... Magh...
