NOTE:
Hello! Ito na naman ako at nakapagdraft muli. Ewan ko ba kung anong nangyayari sa akin at sinipag na naman ako. Siguro ay may hormonal imbalance na naman ako. :)
Hindi ko na patatagalin pa kaya ito na po ang chapter 27.
ENJOY! :)
=====================================================
Ang isang araw ay naging mga araw. Ang isang linggo ay naging mga linggo. Ang isang buwan ay naging mga buwan, subalit ni isang pagkakataon ay hindi ko na muli nakita o nakausap pa si James. Maraming katanungan ang sa akin ang bumagabag sa kanyang pag-alis. Araw-araw akong dumadaan sa kanilang bahay, nakikibalita kung kumusta siya, umaasa na magbabalik pa siya, pero sa paglipas ng mga buwan ay mukhang wala na itong pag-asa pang mangyari at talagang tuluyan na niya akong iniwan.
Siyam na buwan na din ang nakakalipas simula ng umalis si James. Madami na din nagbago sa akin kahit pa nahirapan ako nung una. Halos mabaliw ako ng mga unang buwan at talagang para akong nawalan ng balanse sa lahat ng bagay. Minsan ay naitanong ko si James kay Kuya Jake, pero maski ito ay walang balita sa kaibigan. Napaisip din ako na marahil ay kasalanan ko kung bakit umalis si James. Siguro ay ganti niya ito sa akin sa ipinagtapat ko tungkol kay Neil kahit na nung gabing bago siya umalis ay ipinaramdam ko naman sa kanya ang aking pagmamahal at tuluyan ng nagpasakop sa kanya, pero mukhang nahuli na ako.
"Hindi pa ba sapat ang pagpapahirap niya sa akin?"
Yan ang tanong ko sa aking sarili sa tuwing naalala ko si James. Oo at posibleng nasaktan ko siya, pero dapat bang ganito katindi ang kanyang pag-ganti. Kung minsan ay hindi ko maiwasang mainis o magalit kay James dahil sa pang-iiwan nito, pero sadyang mahal ko siya at gustong gusto ko na siyang makita at mahagkan.
"Tulaley na naman si koyang!" Ang nagpagising sa aking ulirat ng marinig ko ang sinabi ni Aijon.
"Ay! Di pa naka-move on?" Sarkastikong segunda naman ni Gwendolyn.
"Naku Chino! Hindi ako umuwi ng Pilipinas para panoorin kang magdrama diyan!" Ang sabi naman ni Rin.
"Para namang hindi niyo pa naranasan ang nararanasan ni Chino ngayon." Ang sabi ni Jackson.
"At kailan ka pa nag-alala kay Chino?" Mataray na tanong ni Rin.
"Don't tell me..." Ang may halong panunukso ni Gwendolyn.
"Kayo talagang dalawang kambal, walang kasawa-sawa sa pagiging fangirl." Si Rodge.
"TUMIGIL KA PUTUTOY!" Sigaw nila Rin at Gwendolyn.
Andito kami ngayon sa Vigan at nagbabakasyon. Ito kasi ang napili namin na puntahan sa pagdating ni Rin mula sa Spain. Matagal na itong plano at mabuti na lang at natuloy. Noong una ay walang kasiguraduhan ang lahat, pero eto nga't nandito na kami.
Kahit pa bakasyon ay hindi ko maiwasang mapaisip. Maliban kasi kay James ay may nagawa akong isang bagay na hinding hindi nagutustuhan ni Neil.
PAGBABALIK TANAW
Andito kami ni Neil sa SAGE bar at masayang nagkukwentuhan habang hinihintay namin si Adriel.
Sa mga nakalipas na buwan ay sila ang naging kasa-kasama ko dahil na din sa nagawa kong ipagtapat sa kanila ang nangyari sa amin ni James. Sila ang gumawa ng mga paraan para kahit papaano ay pansamantala kong makalimutan ko si James kahit sa mga pagkikita lang namin. Nandyan ang araw-araw na pangungumusta at mga nigt out namin kada biyernes pagkatapos ng kanilang trabaho.
BINABASA MO ANG
BITTERSWEET (boyxboy) (Completed)
RomanceNasaktan ako... Ayoko na... Pero dumating siya. ==<>== Masayang kausap... Nakaka-kilig... Di mapigilan ang tuwa. ==<>==. Nabuhayan... Umibig... Ang sarap sa pakiramdam. ==<>== Subalit... May mahal na siyang iba. ==<>== Magtitiis... Magh...
