Chapter 18

4.9K 113 8
                                    

Matapos naming kumain ay nag-ikot ikot muli kaming lahat habang hinihintay namin si Neil. Humiwalay sa amin sandali sila CJ at Chan-Chan dahil may gusto daw tignan si CJ na dami sa Penshoppe kaya naman hinayaan lang muna namin silang dalawa. Biniro pa naman ang mga ito na baka may gawing kababalaghan kaya nila gustong humiwalay. Kami naman nila Jeanne at Gwendolyn ay nagpasya na maupo muna upang magpahinga dahil sa sobrang pagod at kabusugan.

Nagkukwentuhan kami nila Jeanne at Gwendolyn ng makatanggap ako ng text mula kay Neil at sinabing nasa MOA na sila at nagpapark lang sandali. Bigla akong kinabahan at nasabik at the same time dahil sa text niyang iyon. Ito na ang pinakahihintay kong sandali, ang makita at makilala ng personal ang lalaking nagpapalundag sa aking puso. Sinabihan ko si Neil na magdala ng lighter dahil yosing-yosi na ako at wala akong nabilhan ng lighter. Ayoko na din kasing makisindi sa iba at sinabi naman niya na siya na ang bahala.

Makalipas ang halos labing-limang minuto ay nagtext muli si Neil kung nasaan kami at sinabi ko naman ang eksaktong kinalulugaran namin. Hindi nagtagal ay nagtext muli ito at sinabing nasa Ideal Vision siya at may titignan na frame ng salamin para sa kanya. Ang hindi alam ni Neil ay tanaw na tanaw sa pwesto namin ang Ideal Vision at ilang sandali pa ay nakita ko siyang pumasok doon.

"Sh*t! Ito na!" Yan ang sabi ko sa sarili ko ng makita ko siya.

Kahit saglit lang iyon ay nakilatis ko agad si Neil. Totoo ngang matangkad siya at mas gwapo siya sa personal kaysa sa mga pictures niya sa FB. Hindi naman siya yung sobrang gwapo, pero para sa akin ay pasok siya sa standards ko kaya nga lang ang payat pala talaga ni Neil sa personal. Maya maya pa ay nagtext muli ito.

"Puntahan mo ako. Nahihiya ako kasi ang dami niyo." Text ni Neil.

Nagpaalam ako sandali kina Jeanne at Gwendolyn at sinabing susunduin ko lang si Neil dahil nahihiya ito. Sa bawat hakbang ko papalapit sa kanya ay gusto ng mauna ng puso ko para puntahan siya. May isang pagkakataon pang napahawak ako sa dibdib ko at talaga namang ramdam na ramdam ko ang pagkabog nito. Ilang saglit pa ay nakita ko siyang naka-upo sa isa sa mga concrete bench at binati ito.

"Hi!" Pagbati ko na may kasabay na pagkaway.

Pakiramdam ko ay 16 years old lang ako at hindi ko talaga maiwasang hindi mahiya at kiligin at the same time. Binati din niya ako at inaya ko na siya kung saan kami nakapwesto nila Jeanne at Gwendolyn.

Nang makarating kami sa aming pwesto ay pinakilala ko na sila sa isa't isa. Ramdam ko ang pagka-ilang ni Neil kina Jeanne at Gwendolyn marahil ay ito ang unang beses nilang nagkakilala. Tinawagan ko si CJ, peo can't be reached na naman ang phone nito kaya naman minabuti ko na lamang na itext siya at sinabing lalabas lang kami para makapag-yosi ako.

Sa labas ay hiwalay ang upuan namin ni Neil kina Gwendolyn at Jeanne. Nagulat pa ako ng malaman kong nagyoyosi din si Neil dahil ang alam ko ay ang bestfriend lang nito ang nagyoyosi. Lalo pa akong nabigla ng Marlboro red ang gamit niya dahil matapang ito at hindi ko kaya.

Habang busy sa pag-uusap si Jeanne at Gwendolyn ay busy din kami ni Neil sa pag-uusap. Pinag-usapan namin ang tungkol sa kanila Adriel at kahit may kirot akong naramdaman ay hindi ko na lamang ito pinansin. Pinipilit ko din an sarili ko na maging at ease dahil ang totoo ay hindi ako mapakali lalo na pag nakatingin siya sa akin. Alam kong rude ang hindi pagtingin sa kausap mo, pero hindi ko kasi mapigilan ang pagkailang ko sa kanya. Nang matapos ang dalawang stick ay niyaya ako nito na samahan siya upang bumili ng yosi na akin namang ginawa. Matapos magpaalam kina Jeanne at Gwendolyn ay umalis na kami at nagsimulang maglakad.

"Ang bilis mo naman maglakad." Reklamo ko kay Neil.

"Sorry. Nasanay lang kasi ako sa amin ni Adriel. Mabilis kasi maglakad yun na parang nagmamadali lagi." Sabi niya.

BITTERSWEET (boyxboy) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon