Chapter 9

5.4K 134 13
                                        

"The show must go on"

"The show must go on"

"Inside my heart is breaking"

"My make up maybe flaking"

"But my smile still stays on"



Ayan na naman si Celine Dion at ginigising ako gamit ang kanyang mala-ibong tinig. Kahit na inaantok pa at walang gana ay pinilit kong bumangon. Akala ko na sa pagtulog ko ay makakalimutan ko na yung mga nangyari kahapon, pero hindi.

Bumangon ako at tulad ng nakasanayan ay pumunta ako sa banyo upang magsipilyo ng ngipin at maghilamos. Pagkatapos nun ay kinuha ko na yung bimpo, jacket at tubigan ko at saka lumabas ng bahay upang mag-stretching. 

"Tuloy lang tayo Chino! Aja!" Ang sabi ko sa sarili ko na pilit pinapalakas ang loob ko na magpatuloy na lang kahit pa puro na ako kabiguan.

Medyo napalakas ang pagsabi ko nun kaya ganun na lang ang gulat ko ng may biglang sumita sa akin dahil daw sa pagiging maingay ko.

"Huy! Ang aga aga nababaliw ka!" Sabi ng isang pamilyar na tinig at nang lingunin ko ito ay nagulat ako sa aking nakita. "Tsk! Tulog pa siguro yung mga sebo dyan sa utak mo, no taba?" Dugtong pa ni James.

Ewan ko, pero imbis na mainis ako dito ay napangiti na lang ako na makita siya.

"Kanina pa kaya ako dito. Nilalamig na nga ako kakahintay at baka maaga ka na naman tulad nung isang linggo." Reklamo niya habang papalapit sa akin.

"Sorry nga pala kagabi ha. Medyo nainis kasi ako sa pag-snob mo sa akin." Sabi pa niya. "Grabe ang lamig talaga." Habang kinukuskos ang kanyang mga palad sa isa't isa.

Ngumiti lang ako sa kanya at saka lumapit dito't hinawakan ang kanyang mukha. Napapitlag pa ito marahil na din siguro sa aking ginawa, pero may isa pang dahilan ang kanyang pagpitlag.

"Ang init mo! May sakit ka ba?" Nag-aalala niyang tanong habang ang mga kamay ko ay nakahawak pa din sa kanyang mukha.

Umiling lang ako ng nakangiti at pinagpatuloy lang ang paghawak sa kanya. Natural kasi na mainit ako lalo na ang mga palad ko. Hindi ko nga din alam kung bakit, pero ang sabi sa akin ni Jackson at Gwendolyn ay may solar hands daw ako na pwede maging patissiere. Matapos ang ilang minuto ay bumitaw na din ako at niyaya ko na siyang mag-jogging.

Sa unang pagkakataon ay na-appreciate ko ang presensya ni James. Natural na siguro ang pagiging palabiro at pagiging pilyo nito, pero di ko maiaalis ang katotohanan na pinapasaya niya ako sa mga oras na iyon. Para bang naging mabilis ang naging takbo ng oras. Tila ba inuunahan pa kami sa pagjo-jogging at kahit anong habol ko ay hindi ko ito maabutan upang mapigilan. 

Matapos ang dalawang oras ay nagpasya na kaming tumigil dahil may pasok pa siya. Ang nakasanayang kong pagdaan sa bakery ay nag-iba dahil ngayon ay kasama ko si James at hindi lang ako basta bumili dahil nilibre pa niya ako ng agahan na sabay naming pinagsaluhan. Matapos iyon ay nagtungo na kami sa kani-kaniya naming tahanan upang simulan ang panibagong araw.

Katulad pa din ng nangyayari sa akin sa araw araw ay nasa harap ako ng laptop ko at gumagawa ng mga files ko. Andyan na din ang pakikipag-chat sa mga kaibigan kong sila Rin, Gwendolyn, Rodge, Aijon at Jackson. Oo nag-uusap na ulit kami ni Jackson. Naka-move on na kasi ako sa kanya kaya naman kinakausap ko na siya kahit pa para sa kanya eh wala lang nangyari.

Magtatanghali na ng makatanggap ako ng text mula kay Neil. Kahit na masaya ako ay nalungkot naman ako sa ibinalita nito sa akin.

Neil: Chino nakakalungkot kasi bumagsak si bestfriend sa isang subject namin.

BITTERSWEET (boyxboy) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon