Tulad ng nakasanayan ay nagising ako mula sa mala-ibong tinig ni Celine Dion. Subalit ibang umaga ang bumungad sa akin ngayon. Sa sobrang lungkot ng pakiramdam ko ay gusto ko lang ulit bumalik sa aking pagkakahimbing at ayaw ko ng dumilat pang muli. Sa galit ni James at sa hindi man lamang pagtext ni Neil ay nakaramdam ako ng matinding pagkalungkot at pagkabalisa. Yun bang ipinaramdam sa'yo ng mundo na nag-iisa ka lang at para bang habang buhay kang mag-iisa.
Bumangon ako kahit mabigat ang aking pakiramdam. Kailangan kong gawin yun dahil kailangan ko pang mag-jogging. Nung una ay nais kong pumayat para magustuhan naman ako at mahalin naman ako ng tapat. Baka sakaling pag pumayat ako ay may magawang mag-handog ng kanyang puso para sa akin. Pero sa pag-gising ko ngayon ay gagawin ko na lamang ito para sa sarili ko. Marahil tama nga ang sabi ng iba na dapat mo munang mahalin ang sarili mo bago ang iba.
Pagkatapos ko maghilamos at magsipilyo ng ngipin ay nagsuot na ako ng running shoes ko at jacket saka lumabas ng bahay upang simulan ang aking stretching. Bago pa man ako tumakbo ay lumingon lingon muna ako at nagbabakasakali na nasa tabi tabi lamang si James, pero matapos ang limang minuto ay natanggap ko na wala ito.
Sa aking pagtakbo ay hindi ko maiwasang malungkot. Kasabay ng madilim at malamig na kapaligiran na tila ba sumasaklob sa aking buong katawan ay ang pangungulila ko kay James at Neil. Ang dalawang lalaki na kahit na nagpapagulo ng aking isipan ay hindi ko magawang iwasan.
Ika-anim na ng umaga at wala pa din akong James na nakikita. Maski good morning message mula kay Neil ay wala. Naka-ikot na ako sa village pero tanging mga sasakyan at iilang joggers ang aking nakasabay. Hindi ko naman alam ang bahay ni James, pero kung makapal lang ang mukha ko ay nagawa ko na sanang katukin isa isa ang lahat ng bahay sa aming village makita't maka-usap man lamang siya.
Natapos ako ng hinang hina at tulad ng dati ay dumaan muna ako sa bakery para sa agahan naming pandesal. Nang madako ang aking paningin sa lamesa na aming kinainan ni James ay hindi ko maiwasang hindi siya maalala.
"Bakit wala ka ngayon, James?" Ang piping-sambit ko habang kumagat ng isang pirasong pandesal.
-----------------------------------
Rin: Good morning!
Gwendolyn: *sticker*
Rodge: Good morning Ate Rin and Ate Gwendolyn!
Jackson: Good morning!
Aijon: Ang ganda ko sa umaga!
Rin: Hahaha! Asan si Chino?
Gwendolyn: Baka tumatae pa.
Rin: Hahaha!
Rodge: Naku baka mag-LQ na naman kayo niyan.
Gwendolyn: *sticker*
Ako: morning
Gwendolyn: Mochi!!!
Ako: :)
Rin: Good morning Chino!
Gwendolyn: Ayan na naman yung smiling emoticon mo. Speak up!
Ako: Good morning Rin! Huh Gwendolyn?
Gwendolyn: Naku! Kilala ko na kita. Alam ko kung kelan ka talaga masaya at hindi.
BINABASA MO ANG
BITTERSWEET (boyxboy) (Completed)
RomanceNasaktan ako... Ayoko na... Pero dumating siya. ==<>== Masayang kausap... Nakaka-kilig... Di mapigilan ang tuwa. ==<>==. Nabuhayan... Umibig... Ang sarap sa pakiramdam. ==<>== Subalit... May mahal na siyang iba. ==<>== Magtitiis... Magh...