"Grabe! Anong oras na?!" Inis kong sabi kay Jeanne at Gwendolyn.
Kasalukuyan kaming nasa MOA at nag-hihintay sa skating rink kung saan kami magkikita ni CJ.
"Sabi ala-una, pero mag-a-alas dos na eh wala pa din? Kalowka!" Sabi ko habang hawak ko ang cellphone ko upang itext si CJ.
"Baka naman na-trapik." Sabi ni Gwendolyn.
"Tawagan mo kaya." Sabi naman ni Jeanne.
Tatawagan ko na sana si CJ ng mag-vibrate ang phone ko at nang tignan ko kung sino ito ay nakita ko ang isang hindi pamilyar na number na tinatawagan ako.
"Hello?" Bungad ko.
"Kuya! Si CJ to. Pasensya na. Andito na kami sa Baclaran." Sabi niya.
"Ah...okay sige i-text mo na lang ako pag nandito na kayo." Tugon ko naman sa kanya.
Matapos naming mag-usap ni CJ ay nagpasya muna kami nila Gwendolyn at Jeanne na mag-ikot na lang muna sa mall. Pumasok kami sa Forever 21 upang maningin-ningin.
"Grabe Cheche! Kung babae lang ako, haven itong store na to sa akin. I don't like accessories, pero kung girl ako, hindi mo ako makikita na walang accessories." Sabi ko sa kanya habang nagsusubok ng mga bracelet at necklace.
"Ang gulo mo! Ayaw mo, pero pag naging babae ka, gusto mo? Hay naku." At nag-roll eyes na naman si Jeanne.
"Eh kasi ang gaganda kaya ng mga accessories niyo. Minsan tuloy naiisip kong mag-cross dress kaso asiwa sa itsura ko." Sabi ko kay Jeanne.
"Buti alam mo." Sabi nito sabay hanap ng bracelet.
Napa-ngiwi na lang ako sa kaprangkahan ng kaibigan ko pagdating sa akin. Si Gwendolyn, ayun nawala na at mukhang nagsusukat na ata. Balak ko pa naman siyang i-make over pero mukhang alam niya ang balak ko kaya umiwas sa akin.
Natapos ang pagtitingin namin sa Forever 21 at mabuti naman ay napilit kong bumili si Jeanne ng bracelet. Nung una ay ayaw pa niya at pinag-iisipan pa niya itong bilhin, pero dahil sa nagandahan ako ay sinabihan ko siya ng mga positive views about sa bracelet. Nag-work naman at ang maganda pa dun ay naka-sale din ito.
"Grabe! Alas-tres na ha. Ang lapit lang ng Baclaran dito para abutin sila ng isang oras." Naiinis ko na namang sabi.
Sobrang late na kasi si CJ at ang kasama niya at ayaw ko pa naman sa lahat yung pinag-hihintay ako ng matagal. 10, 20 or even 30 minutes ay kaya kong maghintay, pero yung dalawang oras eh ibang usapan na.
"Tawagan mo na kaya. Anong oras na oh." Sabi ni Gwendolyn na medyo naiinis na din.
Tinawagan ko yung number na ginamit ni CJ, pero can't be reached ito. Medyo napa-isip ako nung mga oras na yun at inakala ko na baka pinaasa lang ako ni CJ. Sa inis ko ay tinext ko si Neil.
Ako: Hay naku Neil. Wala pa din si CJ. Naiinis na ako.
Text ko kay Neil at hindi sigurado kung sasagutin ako nito o hindi, pero nagulat ako ng bigla itong nagtext sa akin.
Neil: Baka naman natrapik lang. Hintayin mo na muna. May kasama ka ba?
Ako: Sabi niya nasa Baclaran na sila eh alas-dos pa yun. Anong oras na, pasado alas-tres na! Nagugutom na ako!
Neil: Hinatayin mo na lang kahit konti.
Ako: Pag 3:30 at wala pa siya. Uuwi na kami. Ang layo namin dito sa MOA noh.
BINABASA MO ANG
BITTERSWEET (boyxboy) (Completed)
RomanceNasaktan ako... Ayoko na... Pero dumating siya. ==<>== Masayang kausap... Nakaka-kilig... Di mapigilan ang tuwa. ==<>==. Nabuhayan... Umibig... Ang sarap sa pakiramdam. ==<>== Subalit... May mahal na siyang iba. ==<>== Magtitiis... Magh...