"Chino! Dalian mo na diyan at baka mahuli tayo sa kasal!" Pagtawag sa akin ni mommy.
"Andyan na!" Tugon ko naman.
Kasalukuyan akong nakaharap sa salamin at naglalagay ng wax sa aking buhok. Ngayon ang araw ng church wedding ng pinsan kong si Kuya Jake. Pilit kong inaayos ang buhok kong ayaw sumunod sa akin. Parati na lang itong pasaway sa tuwing gusto ko siyang umayos. Matapos ang ilang minutong pakikipag-buno dito ay umayos din ang aking buhok, naglagay ng pabango at handa na ako.
Pagbaba ko ay napansin kong makulimlim ang kapaligiran. Mainam na din ito dahil siguradong mahihirapan ako pag matindi ang sikat ng araw gayong naka-coat and tie ako.
"Naku mukhang magiging blessed ang araw ng kasal ng pinsan mo." Sabi sa akin ni mom.
"Bakit naman?" Tanong ko dito.
"Kasi sabi ng mga matatanda, pag-umulan sa araw ng kasal mo, blessing daw yun ng kalangitan." Pagpapaliwanag ni mommy.
Tumango na lang ako, pero hindi ko gusto ang mga gloomy weather dahil lalo lamang akong nalulungkot. Para kasi sa akin ay parang ipinapahiwatig nito ang isang matinding kalungkutan. Kung sabagay, walang masamang maniwala sa mga paniniwala. Umaraw man o umulan, pare-pareho lang naman ang pagdaan ng mga araw sa akin. Hindi nagtagal ay dumating na ang tita ko kung saan kami makikisabay upang magtungo sa simbahan. Bawal kaming mahuli dahil ninang si mommy at isa naman ako sa mga abay.
Pagkadating namin ng simbahan ay nilapitan agad kami ng wedding coordinator upang bigyan si mom ng bouquet of flowers at corsage naman ang sa akin. Madami na ding tao sa simbahan at nandoon na din ang familia ng pinsan ko. Panay ang pagbati ng mga bisita sa kanya kahit hindi pa man nagsisimula ang kasal. Naisip ko tuloy na paano kung hindi natuloy ang kasal, anong silbi ng pagbati.
"Bitter much lang Chino?" Sabi ng isang bahagi ng utak sa pagiging nega nito.
Lihim na lang akong napatawa sa aking naisip. Marahil ay totoo ngang bitter ako. Sino ba naman ang hindi magiging bitter sa mga nangyari sa akin.
Pinuntahan ko na lang muna ang mga pinsan ko upang makipag-usap since wala pa ang bride. Pagkadating ko sa kanilang pwesto ay nagulat pa ang mga ito sa akin at tila ba nanibago.
"Ganyan ba ang epekto ng mga nagiging sawi?" Sarkastikong tanong sa akin ni ate Nina.
Nabanggit ko kina ate Nina ang tungkol sa naudlot kong relasyon, pero hindi ko sinabi sa kanila na si James iyon.
"Bakit? Anong meron sa akin?" Tanong ko naman.
"Wala naman, except that you look great!" Masayang tugon nito.
"Malamang sa malamang, kung hindi ka naging bading eh matatalo mo yang si Jake pagdating sa mga babae." Sabi naman ni ate Rache.
"Ewan ko sa inyo!" Pag-pigil ko sa dalawang pinsan kong matandang dalaga.
Sa pag-upo ko sa tabi nila ay kung anu ano ang tinanong ng mga ito sa akin. Medyo matagal din kasi kaming hindi nagkita kita dahil mga busy sa trabaho at tuwing may okasyon lang kami nabibigyan ng pagkakataon na magkita at magbonding.
"Naniniwala kasi ako sa kasabihan ng isang malapit na kaibigan." Biglang sabi ko sa kanila.
"At ano naman yun, aber?" Tanong ni ate Nina.
"Lahat daw ng single ay blooming." Natatawa kong sabi.
"Ganun? Bakit ito, hindi?" Ang natatawang tanong ni ate Nina at tinuro ang nakababatang kapatid na si ate Rache.
BINABASA MO ANG
BITTERSWEET (boyxboy) (Completed)
RomansaNasaktan ako... Ayoko na... Pero dumating siya. ==<>== Masayang kausap... Nakaka-kilig... Di mapigilan ang tuwa. ==<>==. Nabuhayan... Umibig... Ang sarap sa pakiramdam. ==<>== Subalit... May mahal na siyang iba. ==<>== Magtitiis... Magh...