Chapter 14

5K 129 14
                                    

Matapos ang nangyari kagabi sa pagitan namin ni James ay lalo akong nanliit sa sarili ko. Alam ko na hindi ako kagwapuhan o kagandahang lalaki, pero hindi ko alam kung hanggang kailan ako masasanay na sabihan ako ng ganun. Kahit pa man ilang beses na ako nare-reject ay para bang hindi pa din nagsisink in sa akin ang katotohanan na wala na kailanman ang posibleng mahalin ako.

"Ang hirap Ralph. Hindi ko inasahan na magiging ganito kahirap at kasakit. Kung sana hindi mo na lang ako iniwan noon, siguro ay masaya pa din ako sa piling mo."

Yan ang nasabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa mga glow in the dark stickers ko sa ceiling ng aking kwarto at tangan tangan ang bracelet ni Ralph.

Ala-tres na ng madaling araw at hindi pa din ako nakakatulog. Mugto na nga ata ang mga mata ko sa kaiiyak, pero para bang kulang pa. Sa mga ganitong oras ng kalungkutan, tanging ang mga glow in the dark stickers ko ang nagiging takbuhan ko. Kinakausap ko sila kahit pa man hindi sila sumasagot sa akin pabalik. Yung tipong andiyan lang sila para makinig sa akin. Wala man akong natatanggap na kasagutan mula sa kanila ay kahit papaano ay nailalabas ko ang mga sakit sa loob ko.

"Sabi nila na kapag may mahal kang tao ay ipaglaban mo ito. Pero paano kung hindi kaya ng tao na yun na mahalin ka pabalik? Patuloy ka pa din bang lalaban?"

Muling tanong ko sa mga glow in the dark stickers ko.

Napapagod na talaga ako, pero ayaw kong basta na lang sumuko. Sabi nila, sa bawat kabiguan mo sa pag-ibig ay lalo ka nitong ilalapit sa taong nakatadhana para sa'yo.

"Nasaan na ba siya? Hindi ko na kaya." At muling naiyak na naman ako.

Akala ko noon ay magiging masaya ako kay Ralph, subalit nang mamatay ito ay tila ba namatay na din ako. Dumating si Dave matapos ang siyam na taon. Akala ko siya na, pero sa simula pa lang pala ng aming relasyon ay hindi na ako nito minahal at ginamit lang ako para makalimutan ang dating kasintahan. Ang ending, rebound. Si Jackson na naglakas loob akong ligawan, pero wala din nangyari matapos niyang makita ang tunay kong anyo. Si James na akala ko ay magpagtingin sa akin. Na akala ko ay naka-jackpot na ako, pero ganun pa din. Hindi na nga ako pinagbigyang mahalin siya, nilait pa ako. 

"Andiyan pa si Neil. Hindi pa naman sila kasal ni Adriel." Bulong ng isip ko na wala atang balak sumuko.

Bahagya akong natawa ng maisip ko yun. Si Neil pa nga pala. Si Neil na nagpapalundag sa puso ko sa tuwing itetext ako nito. Pero paano ako magagawang mahalin ni Neil kung may Adriel na siya?

"Makipagkita ka." Sagot naman ng isip ko sa katanungan ko.

Pucha! Nababaliw na ata ako. Ako ang nagtatanong at ako din ang sumasagot sa tanong ko. Ganito ba talaga kapag bigo sa pag-ibig, nababaliw lang peg.

"OO." Sagot muli ng isipan ko.

Ewan! Matutulog na nga lang ako dahil mukhang malapit na lumuwag ang turnilyo ko sa utak dahilan para tuluyan ng makawala ang pagkabaliw ko sa sarili.

Pero bago ako napapapikit ay nakawala ang isang luha ko mula sa aking kaliwang mata, tanda ng sakit at pait na nararanasan ko sa mga oras na ito.

======================================

"Mochi! Asan ka na? Kanina pa kami sa chatroom!" Text sa akin ni Gwendolyn.

Nagising ako ng mag-vibrate ang phone ko. Pagtingin ko sa orasan at pasado alas-onse na. Bumaba ako papunta sa kusina at nakita ko yung note ni mommy sa ref...

"Anak,

Hindi na kita ginsing dahil mukhang pagod na pagod ka kasi humihilik ka. May pagkain na diyan sa mesa, kumain ka na lang.

BITTERSWEET (boyxboy) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon