Lumipas pa ang mga araw at naging magkaibigan kami ni @yourdreamguy. Nandiyan yung madalas niyang pag-comment sa aking mga storya at talaga namang paulit-ulit niya daw binabasa ang chubibo scene ng Sugal. Dahil na din sa mga exchange of messages namin ay kahit papaano ay naging isa na siya sa mga ka-close ko sa Wattpad.
Kasabay ni @yourdreamguy ay ang isa pang lalaki na nagpapagulo din ng aking umaga. Nagpapagulo in a sense na para akong excited palagi na gumising ng maaga upang mag-jogging. Yun ay walang iba kundi ang lalaking nakakasabay ko mag-jogging sa umaga. Siya yung lalaking nakapulot ng bimpo ko nung malaglag ito. Sa totoo ay hindi ko pa alam ang pangalan niya at medyo takot din akong lapitan siya dahil para bang ang suplado lang.
"Puki mo brown!" Ang tanging nasabi ko ng matisod ako habang nagja-jogging.
Paanong hindi ako matitisod eh imbis na sa daan nakatingin ang aking mga mata eh nakatingin ito sa lalaking nagja-jogging sa aking harapan. Tila ba hinawaan ng aking mga mata ang aking mga tenga kung saan ay parang biglang narindi sa pagbirit ni Idina Menzel ng kantang Let It Go.
"Ano ba yan, Chino?! Hindi ka talaga nadadala!" Ang sabi ng isang boses sa aking kaisipan.
Napangiti na lang ako ng na-sense ko iyon dahil para bang ambilis kong kinain ang aking sinabi na isasara ko na ang puso ko matapos ang hiwalayan namin ni Dave.
Hindi ko namalayan na malayo na pala sa akin yung lalaking sinusundan ko dahil nanatili akong naka-upo sa bangketa at hinihimas ang aking paa. Nang lumiko yung lalaki sa unang kanto ay tumayo na ako't tinangka siyang habulin, subalit pagliko ko sa kanto ay may likuan pa at sa dulo nun ay may likuan pang muli at sa dulo nun ay may likuan pa din. Dahil sa parang nagkaliko-liko na ang aking paningin sa kahahanap dun sa lalaki ay nagpasya na lang akong tapusin ang aking pagja-jogging. Tulad ng dati ay dumaan muna ako sa bakery upang bumili ng pandesal bago umuwi.
---------------------------------------------
Rin: Hi!!!
Gwendolyn: *sticker*
Rodge: Hello Ate Rin, Ate Gwen! Si Kuya Chino wala pa?
Gwendolyn: Hi Pututoy! Malamang nagja-jogging pa.
Rin: Talagang sineryoso ang pagpapapayat. Hahaha!
Gwendolyn: *sticker*
Rodge: Kinilig naman bigla si Ate Gwen! Hahaha!
Gwendolyn: Magtigil ka Pututoy!
Ako: Yo! Tumatae ako! Ang ingay ng phone ko. Beep ng beep. Di ako maka-concentrate sa inyo.
Rin: Peste talaga ang timing mo! Nakain ako!!!
Gwendolyn: *sticker*
Rodge: Hahahaha! Ikaw talaga Kuya Chino.
Ako: Good morning nga pala. Balita?
Rin: Wala namang bago.
Gwendolyn: *sticker*
Rodge: Eto parang gusto ko na mag-resign dahil sa dragona naming boss.
Ako: Ganun Rin? Yan na naman yung sticker mo Mochi! Kalowka! Magresign na lang Pututoy. Daming trabaho diyan na mas okay ang boss.
BINABASA MO ANG
BITTERSWEET (boyxboy) (Completed)
RomanceNasaktan ako... Ayoko na... Pero dumating siya. ==<>== Masayang kausap... Nakaka-kilig... Di mapigilan ang tuwa. ==<>==. Nabuhayan... Umibig... Ang sarap sa pakiramdam. ==<>== Subalit... May mahal na siyang iba. ==<>== Magtitiis... Magh...