Chapter 16

5.1K 107 3
                                    

Tatlong araw matapos naming mag-usap ni Dave ay tila ba balik na naman ako sa dati kong mundo. Nagkaunawaan na din kami ni Dave sa wakas at sa tatlong araw na nakalipas ay hindi na ito nangulit o nagpumilit pa, pero andiyan pa din ang pagtetext niya upang mangamusta.

Si James naman ay tuluyan ko ng hindi nakita. Hindi na din kasi ako nagjajogging dahil medyo napupuyat ako nitong mga nakaraang araw sa paggawa ng aking mga files, pero babalik pa din ako sa pagpapapayat kapag nagkaroon na ako ng oras. Alam kong paputol-putol ito, pero hindi naman ako tumitigila sa aking pagdi-dyeta.

Ngayon ay isang magiging mahaba at busy na araw para sa akin. Feast day kasi ngayon ng Lourdes at napagkasunduan namin ng bestfriend kong si Jeanne na magsimba sa Lourdes at bisitahin na din ang aming dating eskwelahan at kumain sa dati naming kinakainan na Lourdes snack. Pagkatapos nun ay makikipagkita naman ako sa tinuring ko ng nakababatang kapatid na si CJ na reader, follower at kaibigan ko sa Watty.

"Anong oras ka aalis, anak?" Tanong sa akin ni mommy.

"Mga 9 AM." Sagot ko sa kanya.

"Maaga ka bang uuwi o umaga na?" Tanong muli nito.

"Itetext na lang kita." Tugon ko naman.

Wala naman na akong curfew kaso nagtatanong lang ang mommy ko dahil alam nito na pag kasama ko si Jeanne ay madaling araw na ako kung umuwi. Nilulubos kasi naming dalawa ang bonding since hindi naman kami madalas magkita dahil sa trabaho nito at kasalaukuyan din na nagtetake ng MBA.

Pagkatapos kong kumain ng paborito kong pancake ay nagtungo na ako sa banyo upang maligo nang makapaghanda na para sa aking lakad. Medyo excited kasi babalikan ko muli ang school ko nung high school makalipas ang 13 taon at syempre ang makita ko din ang tinuturing ko ng nakababatang kapatid. Pero ang isa pa sa dahilan ng excitement ko ay ang posibilidad na makita ko Neil ngayong araw. Sa unang pagkakataon ay makikita ko na din ang lalaking nagpapalundag ng aking pilay, sugatang bugbog na puso.

Pagkalabas ko ng banyo ay dumampot na ako ng aking isusuot, pilit inayos ang mukhang hindi na maayos and voila...walang pagbabago.

Nagpaalam na ako kay mommy na aalis na at tinext ko na din si Jeanne upang malaman nito na paalis na ako. Sa San Juan lang kasi siya nakatira kung kaya't medyo may kalapitan siya sa school namin kumpara sa akin na taga Antipolo. Pasalamat na lang ako ng paglabas ko ng village ay nakahanap agad ako ng FX at hindi na nahirapan pang mag-lakad.

"Mochi! Di ka ba talaga makakasama?" Text ko kay Gwendolyn.

Gusto ko kasi na sumama si Gwendolyn. Kahit naman na excited ako ay medyo kinakabahan pa din ako na makipagkita kay CJ at Neil ng mag-isa. Mabuti nga't napilit ko si Jeanne na sumama kaya pinipilit ko din si Gwendolyn upang magkakilala naman sila ng bestfriend ko. Di na din naman iba si Gwendolyn at tinuturing ko na din siyang bestfriend kahit pa sandali pa lang kami nito nagkakakilala. Isa pa, alam kong magkakasundo sila dahil pareho silang mahilig magbasa at mahilig sa Backstreet Boys.

"Hindi pa ako sigurado, pero subukan ko na lang sumunod." Text ni Gwendolyn.

"Ah ganun ba? Sige, kung di mo pa kaya okay lang." Text ko sa kanya.

Kasama namin dapat si Gwendolyn sa Lourdes dahil gusto ko ipatikim sa kanya yung kinakainan namin ni Marina na Lourdes Snack. Ang problema nga lang ay nagkasakit si Gwendolyn dalawang araw bago ang kitaan, pero umaasa pa din naman ako na makakasunod siya.

Hindi nagtagal ay narating ko na ang LRT. Agad kong tinawagan si Jeanne upang tanungin kung nakasakay na ito. Nang sinabi niyang hindi pa ay sinabihan ko siya na huwag na munang sumakay at tatawagan ko siya pag nasa Gilmore na ang LRT upang magkasabay kami. Sa J. Ruiz station kasi siya sasakay para malaman niya ang tren na dapat niyang sakyan. Sa kasamaang palad ay medyo nagkalituhan dahil napasakay agad siya ng tren, pero mabuti na lamang at natawagan ko siya upang bumaba sa V.Mapa station.

BITTERSWEET (boyxboy) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon