NOTE:
Ayan dahil hindi ako nakatulog, eto at may update. Zombie mode na naman ako nito mamaya. :) By the way, Marck will have his own story. Don't know when will I post it kasi hindi ko pa nafinalize yung buong story. Malalaman niyo dun kung bakit siya naging ganun. Malamang sa malamang eh pagsasabayin ko sila ng Soundtrack story ko na matagal ng naka-hold. :)
Salamat muli sa patuloy na pagsubaybay ng Bittersweet! Please check the multimedia section para sa song for this chapter. :)Here's chapter 25. Enjoy! :)
==============================================
Nagkabalikan muli si Adriel at Neil. Natatawa pa ako kung paanong masayang nagkwento si Neil tungkol sa pagbabalikan nila. Isang linggo matapos ang nangyari ay niyaya pa ako nila Neil at Adriel na makipagkita sa kanila. Nilibre ako ng lunch, coffee at dinner. Nanood din kami ng sine kung saan nagpresinta akong magbayad, pero tinanggihan nila ito at sila na ang sumagot. Hindi daw nila alam kung paano ako mapapasalamatan kaya treat lang ang naisip nila. Pinagpasalamat ko naman yun kahit pa kahit paano ay may kirot akong nararamdaman sa tuwing naglalambingan ang magkasintahan sa aking harapan.
Naging okay din kami ni James nitong mga nakaraang linggo. Andiyan ang madalas naming pagkakape na pareho naming hilig at ang mga pagkain kain namin sa labas. Sa mga ka-sweetan na ginagawa ni James ay nararamdaman kong lalong lumalaki ang pagmamahal ko sa kanya. Subalit nitong nakaraang isang linggo ay bigla na lang itong nagbago.
Akala ko nung una ay hindi na iindahin ni James ang nangyari kung saan iniwan ko siya sa aming date para puntahan si Neil. Subalit dahil gusto ko pagkatiwalaan si James at gusto ko maging honest sa kanya ay ipinagtapat ko din iyon. Akala ko nung una ay okay lang sa kanya dahil sinabihan ako nito na tapos na ang mga nangyari at okay lang daw, pero magmula kinubakasan hanggang ngayon ay hindi na ito nagparamdam pa.
Ako: :'(
Rin: O bakit na naman?
Ako: Di pa kasi ako kinakausap ni James. Di pa din siya nadalaw. :(
Nabanggit ko kina Gwendolyn at Rin yung hindi pagpaparamdam ni James nitong nakaraang mga araw. Sinabi ko din sa kanila ang dahilan at ayun nga at nasermonan ako ng dalawa kong kaibigan.
Gwendolyn: Kasalanan mo din kasi. May James ka na, nakikiharot ka pa sa iba.
Rin: Tama!
Ako: Hindi naman ako nakikiharot noh! Nag-alala lang ako kay Neil.
Gwendolyn: Ganun na din yun.
Gwendoyn: *sticker*
Rin: hahaha!
Ako: Ewan ko sa inyo!
Rin: Baka naman nagpapalipas lang ng sama ng loob?
Gwendolyn: Wala! Ibe-break ka nun! Hahaha!
Ako: Hmp!
Rin: Seryoso. Ikaw naman kasi, hayaan mo na si Neil. Masaya na siya kay Adriel. Hayaan mo naman ang sarili mo magpakasaya kay James.
Ewan ko pero tinamaan ako sa sinabing iyon ni Rin. Tama nga naman siya. Siguro nga ay dapat na akong tumigil kay Neil at magfocus na lang kay James. Mahal ko din naman si James at dapat siguro na hayaan ko pang umusbong yung pagmamahal na yun para sa kanya.
BINABASA MO ANG
BITTERSWEET (boyxboy) (Completed)
RomansaNasaktan ako... Ayoko na... Pero dumating siya. ==<>== Masayang kausap... Nakaka-kilig... Di mapigilan ang tuwa. ==<>==. Nabuhayan... Umibig... Ang sarap sa pakiramdam. ==<>== Subalit... May mahal na siyang iba. ==<>== Magtitiis... Magh...