Chapter 15

4.8K 123 25
                                    

"Anong ginagawa mo dito, Dave?"

Yan ang bungad ko kay Dave na ngayon ay nakatayo sa labas ng aming gate.

"Pwede mo ba muna akong papasukin, Chino. Please?" Pagmamakaawa nito.

"Bakit pa? Akala ko ba nagkaintindihan na tayo?" Tanong kong muli.

"Please Chino. Mag-usap naman tayo ng maayos oh." Pagsusumamo na nito. "Please."

Napabuntong hininga na lang ako at kahit pa man di maganda ang paghihiwalay namin ay ayoko naman maging bastos sa kanya.

Pinagbuksan ko siya ng gate at inaya sa loob ng aming bahay upang doon makapag-usap. Sa pagtingin ko sa kanyang kabuuan ay napansin kong medyo pumayat ito at para bang nangarag. Hindi ugali ni Dave na magpatubo ng stubble, pero mukhang hindi pa ito nakapag-ahit ng mga tatlong araw. Nang makapasok siya sa aming bahay ay pina-upo ko ito sa aming sala habang ako naman ay nagtungo sa aming kusina upang ipagtimpla siya ng juice.

"Uminom ka muna." Pag-alok ko sa kanya.

Habang iniinom niya yung juice na tinimpla ko ay hindi ko maiwasang titigan siya. Nakaramdaman ako ng kalungkutan sa kinahantungan naming dalawa. Kung sana ay nagawa niya din akong mahalin simula pa nung una ay marahil pareho kaming hindi nahihirapan ngayon.

"Chino, please give me another chance. I know I've made a wrong decision at pinagsisisihan ko na talaga yun. Please, I need you back." Sabi niya at napaluha pa.

Sa totoo lang ay gusto ko siyang balikan dahil sa mga nangyayari sa akin ngayon. Gusto kong mawala ang sakit at pait na nasa loob ko, pero ayoko gamitin si Dave para takasan ang mga yun. Ayoko na matulad ako sa kanya nung mga panahong ginamit niya ako upang makalimot sa dating kasintahan.

"Dave, napag-usapan na natin to. Tapos na tayo." Malumanay kong sabi sa kanya.

Tumayo ito at bigla akong niyakap. Ramdam ko ang mga paghikbi niya ganun din ang pagkabasa ng aking damit dahil sa kanyang mga luha.

"Chino I'm sorry. Please Chino. Please give me another chance." Pag-iyak nito sa akin. "Hindi ko na kaya. Hirap na hirap na ako." Dugtong pa niya.

Ewan ko pero may kung ano sa loob ko na nag-udyok upang yakapin din siya. Sa pagyakap kong iyon ay nakadama ako ng sabay na kapanatagan at kalungkutan. Kung magagawa ko lang sana siyang pagkatiwalaan muli ay handa akong makipagbalikan, subalit hindi ko talaga kaya sa ngayon.

Hinayaan ko lang siya na umiyak ng umiyak. Hindi ko din napigilan ang pagtulo ng aking mga luha dahil sa naapektuhan din ako sa kanyang kalagayan. Para siyang isang ulila na naghahanap ng pagmamahal. Nang mahimasmasan si Dave ay inalalayan ko siyang maupo at sinimulan ko na siyang kausapin.

"Dave, alam mo naman ang dahilan kung bakit hindi na tayo pwede. Sabihin natin na nagsisisi ka na, pero huli na Dave. Naka-move on na ako sa'yo at kung magkabalikan man tayo ay hindi ko alam kung kaya ko pang ibigay sa'yo ang buo kong pagtitiwala. Ayokong umikot sa pagdududa ang relasyon na gusto mong balikan." Pagpapaliwanag ko sa kanya.

"Walang kaso sa akin Chino kung pagdududahan mo ako, pero isa lang ang masisigurado ko sa'yo na magiging tapat na ako." Sabi niya. "Oo at huli na ng marealize ko kung ano ka sa akin, pero sana Chino muli mong buksan ang puso mo para sa akin." Dugtong pa niya.

"I value trust more than anything, Dave." Walang buhay kong sabi sa kanya.

Natahimik si Dave ng marinig niya yun. Muli siyang napayuko at nakita kong muli ang mga luha na dumaloy sa kanyang pisngi. Nang punasan niya iyon ay nagsalita siyang muli.

BITTERSWEET (boyxboy) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon